^

Dr. Love

Respeto ang dapat matutuhan ng mga anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Delia. Gusto ko sanang maging plain house wife dahil gusto kong matutukan ang aming mga anak. Kaso maliit ang swledo ni mister, kaya kayod din ang ginawa ko. Ang mister ko ay isang guard at ako naman ay staff sa isang factory.

Wala kami lagi ng mister ko sa bahay. Yaya lang ang kasama ng aming mga anak. Hanggang sa lumaki sila ng hindi ko sila naalagaan ng mabuti.

Lagi naman akong nagpapaalala sa kanila. Hindi ko alam kong totoo ang hinala ko na baka sa katulong namin nila nakuha ang ugali nilang magdabog o dahil na rin wala kami  lagi sa kanilang piling.

Ang isang anak ko, nakatapos nga pero nagmamalaki na at sinasagot sagot ako. Ang isa, lagi na lang nagko-computer at ayaw ng mag-aral. Grabe, sa kabila ng pagpapagod at pagtitiis sa trabaho, ganoon pa ang kanilang isinusukli sa amin. Matitigas ang ulo.

Nakalulungkot lang na hindi ko nagugustuhan ang kanilang inaasal sa amin bilang kanilang magulang.

Delia

Dear Delia,

Madalas ganyan ang nangyayari sa mga anak kahit hindi naman lumaki sa kanilang mga yaya.  Mauunawaan din nila iyan pagdating ng araw.

Humingi ka ng tulong sa mga kamag-anak ninyo na maaari nilang pakinggan o kaya ay lagi mong ipaliwanag sa kanila ng maayos at hindi sumisigaw ang nais mong iasal nila.

Ipagdasal mo na maunawaan nila ang halaga ng respeto sa magulang at sa mga nakatatanda.

Para sa mga kabataan, mahalin at igalang natin ang ating mga magulang bilang tanda ng ating pagtalima sa Maykapal.

DR. LOVE

DELIA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with