^

Dr. Love

Unwanted proposal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang po ninyo akong Chito. Hindi ko inaasahan na iba pala ang intensyon ng aking kaibigang si Allan (hindi niya tunay na pangalan). Galing siya sa London. Halos magkababata kami pero nang magkolehiyo ay nanirahan na sila roon.

Noong medyo bata-bata pa kami may pagka- lambutin na siya. Pero wala sa isip ko na bading siya.

Nag-meet kami nito lang isang buwan. Umuwi sila galing sa London. Nag-dinner kami kasama ang mga dati naming mga kaibigan. Naging isang reunion ang kanyang pag-uwi.

Mga ilang araw pagtapos ng aming dinner gathering, nag-chat si Allan sa akin.

Tinatanong niya kung kelan daw ako free. Inaaya niya akong mamasyal sa mall. Ibibili raw niya ako ng sapatos at laptop.

Pero hindi lang iyon, kung payag daw ako mag-out of town kami sa isang resort at mag-stay doon ng three days.

Na-shock ako dahil hindi ko inaakala na pati ako ay papatusin niya.  Hindi ko alam kung tatanggihan ko siya dahil alam kong mamasamain niya ang magiging desisyon ko.

Pero ayaw ko naman ng ganoong proposal, hindi naman ako isang bayaran at turing ko sa kanya ay isang kaibigan.

Ang isa pa, pareho kaming lalaki.

Chito

Dear Chito,

Sa palagay ko, maiintindihan ka naman ni Allan, basta’t ipaliwanag mo lang sa kanya ng maayos ang magiging desisyon mo. Lalo na’t wala naman kayong relasyon.

Baka naman sinusubukan ka lang ni Allan kung bibigay ka.  Pwede ka naman mag-set ng limits sa ibang tao na hindi nasisira ang iyong relasyon sa kanila. Igalang mo pa rin si Allan at ituring mo pa rin siyang isang kaibigan.

Mare-realized din niya na may prinsipyo ka at may pagpapahalaga sa sariling desisyon.

DR. LOVE

PROPOSAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with