^

Dr. Love

Para pasakitan ang bf, nagpakasal sa iba

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ang matinding pag-aaway namin ng aking boyfriend ang nagtulak sa akin para gawin ang isang bagay na hindi ko akalain na pagsisisihan ko ng matindi.

Galit na galit ako noong mga panahon ‘yun. Dahil hindi ko matanggap na nabalewala ang effort ko. At parang wala lang ang lahat sa kanya.

Nagkasagutan kami at lumabas ang mga sumbat. Kung ilalarawan ang wirdong pakiramdam na ‘yun, para akong mababaliw sa magkahalong inis at galit, Dr. Love.

Kaya umisip ako ng paraan para pasakitan ng malala ang boyfriend ko.

Ang ginawa ako ay sinagot ko ang matagal nang nangungulit sa’kin na magpakasal, at ikinasal nga kami sa lalong madaling panahon.

Lumipas ang mga buwan, humupa ang inis at galit, ngayon parang sinakluban ng langit at lupa ang aking pakiramdam.

Dahil hindi ko mahal ang lalaking pinakasalan ko at sobra ang pagsisisi ko sa ginawa kong pagpapakasal sa kanya.

Sa totoo lang po ay nandidiri ako kapag kami ay nagse-sex. Kaya madalas ay nagdadahilan na lang ako na masakit ang aking ulo.

Dahil sa kakatanggi ko ay natuto siyang mambabae. Hindi naman ako apektado dahil hindi ko siya mahal.

Gusto ko po ma-annul ang kasal ko. Pagpayuhan po ninyo ako.

Mhariz

Dear Mhariz,

Tutal naman ay walang pagmamahalan sa pagitan ninyong mag-asawa, bakit hindi na lang kayo mag-usap na ipa-annul ang inyong kasal.

Sa palagay ko, pwedeng maging ground ang marital infidelity para sa annulment. Pero mas mabibigyang katiyakan iyan ng isang abogado. 

Maaaring ang mister mo ang mag-initiate dahil matibay na dahilan ang pagtanggi mo na makipagtalik sa kanya. 

Dr. Love

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

BOYFRIEND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with