^

Dr. Love

Lawakan ang pangunawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Zen. Kasama sa mga natanggal sa trabaho ang mister ko noong kasagsagan ng pandemya. Mula noon ay nagkapatong-patong na ang mga bayarin namin.

Nangutang ako ng malaking halaga sa isang kaibigan para maipaikot sana sa online business pero na-scam ako  at naglaho na parang bula ang lahat.

Isang hindi inaasahang pagkakataon na magkita kami ng kumpare ko, ninong ng aming panganay na anak sa isang fast food chain at nangamusta siya kaya naikwento ko ang kalagayan namin. Walang kaabog-abog na inabot niya ang isang tseke na may halagang P100,000.00 pesos. Para akong nabunutan ng tinik, Dr. Love lalo na nang sabihin niyang ibalik na lang kapag nakaluwag na.

Pero minasama ito ng mister ko at pinag-aawayan namin hanggang ngayon. Pagpayuhan po ninyo ako, napipika na kasi ako. Ang dumi ng isip niya.

Zen

Dear Zen,

Lawakan mo pa ang iyong pang-unawa at manatiling ma-ging mabuting asawa. Matatauhan din ang mister mo at kapag nalaman niyang mali ang hinala niya.

DR. LOVE

vuukle comment

ZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with