^

Dr. Love

Huwag gawing biro ang sex

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lamang akong Remus. Isa akong “paminta”. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa hindi sinasadyang pagkakataon ay bumigay ako sa isang babae na katropa namin. Hinid ko na babanggitin ang kanyang pangalan.

Biruan kasi kami nang biruan nung gabing nag-iinuman kami ng tropa. Sabi nila kung talagang lalaki, ako patulan ko raw ang isa sa mga tropa namin.

Ang hindi ko alam, may crush din pala sa akin itong si girl. Hindi naman niya sinabi agad sana nakaiwas ako.

Nang may amats na kami, sinubukan niyang lambingin ako. Hanggang sa nangyari na nga ang hindi ko inaasahan.

Hayun, kabado ako ngayon baka mabuo ang aming ginawang kalokohan. Hindi ko pananagutan iyon kasi hindi ako handa sa isang seryosong relasyon.

Mas gusto minsan ang kapwa ko lalaki kaysa sa babae. Hindi ko pa naman tipo ang ugali ng mga kapatid niya.

Ano po ang mabuti kong gawin?

Remus

Dear Remus,

Ganoon ba katindi ang naging romansa ninyo? Kung matindi at fertile siya nang araw na iyon ay baka magbunga ang ginawa ninyo. Depende ‘yan sa magiging resulta kung magpapa-check up siya. Safe ka kung hindi magbunga pero ang payo ko sa iyo, iwasan mo ang mga pagkakataon na magkamali kang muli.

Kung magkataong magbunga ay mag-usap kayo ng girl para magkasundo kayo sa nararapat ninyong gawin. Huwag naman ninyong idamay ang batang nasa sinapupunan. Hangga’t maaari ay mailuwal siya ng maayos.

Ipaalam ninyo sa mga dapat makaalam nito at panagutan ninyo ang dapat ninyong panagutan. Kaya nga para sa mga kabataan, huwag gawing biro ang pagsisiping iyan ay nararapat lamang sa mag-asawa.

DR. LOVE

vuukle comment

SEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with