^

Dr. Love

Maginoong rapist

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nang unang makilala ko ang kasintahan ko, mabait ang dating niya. At komo may itsura, “grab” ko siya agad. Tawagin mo na lang akong Leslie, 22 anyos.

Akala ko perfect gentleman ang jowa ko. First impression lang pala ang nakita ko na para siyang napakaamo. Man of few words din siya at bihirang magsalita.

Dahil sa ugaling ito, pati pamilya ko ay na-deceived at tinanggap siya agad.  Nagkamali kaming lahat ng paghusga sa katauhan niya.

Umiiyak na sinalubong ako ng pinsan, pagdating ko ng bahay. Nasa office pa raw ang aming ama nang dumalaw ang jowa ko. Inestima niyang mabuti ito. Maganda sa umpisa ang kwentuhan nila.  Pero nang tumagal ay nauwi sa mga kwentong bastos at mahalay.

Natulala raw ang cousin ko dahil hindi niya inaasahan ang ganung lengguwahe sa isang inakala niyang maginoo.  Ilang sandali pa ay nilapitan siya ng jowa kong maniyakis pala.  Hinawakan sa balikat at tinangkang halikan. Pumiglas ang aking pinsan at sinampal ang jowa ko. Natarantang tumakbo palabas ng bahay ang gago.

Agad akong nakipag-break sa lalaking ‘yun.  Tinext niya ako at humihingi ng sorry. Ibig din niyang makipagbalikan. Dapat bang bigyan siya ng one more chance?

Leslie

Dear Leslie,

Oh no! May sakit sa isip ang lalaking iyan.  Wika nga, psychological disorder na split personality. Huwag ka nang makipag-reconcile. Nakita mo na ang tunay niyang ugali.

Kahit sino ay hindi dapat magtiwala sa lalaking may tendency na maging rapist. Dahil malamang maulit ang tangka niya sa ibang mga kaanak mong babae.

Dr. Love

LESLIE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with