^

Dr. Love

Hindi ako si Darna

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang akong Micah. Gusto ko lang iparating sa bf ko na hindi ako si Darna para masunod ko lahat ng gusto niya.

Kapag naglalaro siya ng ML, gusto niya maglaro rin ako. Tapos kapag natatalo kami, ako nang ako ang sinisisi niya.

Minsan kapag may excuses siya, dahil lagi siyang nasa barkada niya, eh dapat intindihin ko siya dahil paminsan minsan na lang daw sila nagkikita.

Kahit nga minsan, hindi niya ako nasusundo, ako na ang nag-a-adjust. Pero sasabihin pa niya, bakit daw ako umuwi agad at hindi ako naghintay.

Ako na lang ng ako ang nag-a-adjust sa relationship namin.

Alam niya ‘yan, lahat ng pagtitimpi kahit galit na ako, inuunawa ko pa rin siya. Kahit siya na ang may kasalanan, sinisisi pa rin niya ako dahil ang taas daw ng pride ko.

Pero nang malaman kong may lumalandi sa kanya, sandali lang… ibang usapan na ‘yan. Hindi ko na yata kayang palagpasin ‘yan.

Micah

Dear Micah,

Abusado na yata ang bf mo. Kung nahihirapan ka, mainam na kausapin mo siya o mag-cool off muna kayo. Sabihin mo lahat ng hinaing mo sa kanya, tapos huwag muna kayong magkita para makapag-isip-isip siya.

Kung ayaw niyang pumayag, dapat na may paninindigan ka sa magiging desisyon mo.

Dapat sa pagmamahalan ay dalawa ka-yong may concern sa isa’t isa. Hindi lang ikaw, lalo na siya ang lalaki, dapat siya ang manunuyo sa iyo.

Hangad ko na magkaliwanagan kayo at maitama ang dapat itama sa pagitan ninyo para maging maayos ang inyong relasyon. Dahil masasayang lang ang panahon, ang atensiyon at feelings na ilalaan mo kung mauuwi lang sa pagbabalewala sa’yo ang ending ng lahat.

Tungkol naman sa naglalandi kamo sa kanya, alamin mo muna ang totoo.

Sa mga ganyang usapin, hindi natin makokontrol ang iba sa mga gusto niyang gawin. Pero ang boyfriend mo ay mapagsasabihan mo, at sana pakinggan ka niya. Dahil kung hindi, baka it’s time na mag-isip-isip ka na habang may panahon pa.

Ang relasyon ay dapat magdulot ng mabuti sa’yo at hindi puro konsumisyon.

DR. LOVE

MICAH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with