^

Dr. Love

Crush ba ito o true love?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa mga kamag-anak ko sa probinsya ako nagbakasyon. Mayroong isang poging binata roon na kinalolokohan ng maraming babae na tulad ko. Matangkad, guwapo at magaling mag-basketball.

Donnie ang kanyang pangalan at nang makita ko siya, nagka-crush agad ako sa kanya.

Sa mga katangiang iyan, sino ba naman ang hindi hahanga at mai-in love?  Sa tuwing may game siya, kasama ako lagi ng tropa para panoorin siya. Nagtitilian kami kapag naglalaro to the max.

Nagkaroon ako ng chance na makilala siya. Halos ‘di na ako makatulog nang makamayan ko siya. Balita ko walang hilig sa babae si Donnie at naka-focus lang sa pag-aral. Ngunit sa porma ay lalaking-lalaki naman siya. Nasa Manila na ako pero siya pa rin ang laman ng isip ko.

Ano ang dapat kong gawin para mapansin at ligawan niya ako?

Gretchen

Dear Gretchen,

Kung ikaw ang magpapakita ng motibo, malamang bu-maba ang tingin sa iyo ng sino mang lalaki. Iyan ang bagay na hindi dapat gawin ng sino mang babae.

Marahil seryoso lang sa pag-aaral si Donnie kaya hindi muna inaatupag ang panliligaw. Magandang mindset ‘yun, kaya ‘di siya dapat paghinalaang bakla.

Bata ka pa at gayundin si Donnie. Tama naman siya sa pagkakaroon ng magandang prayoridad. Kung kayo ay nakatadhana para sa isa’t isa, tiyak na sa bandang huli ay kayo ang magkakatuluyan. Kung hindi man, may nakalaang mas magandang kapalaran sa iyo ang Diyos.

Dr. Love

CRUSH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with