^

Dr. Love

Naging instant mommy

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Instant mommy, ganun ko mailalarawan ang na-ging relasyon namin ni Greg. Nakilala ko siya nang bagong lipat ako sa lugar nila. Na-meet ko na rin ang kanyang baby girl na six years old.

Nagtataka ako dahil parang laging wala ang misis niya.  Madalas naiiwang mag-isa ang bata na  nakasilip lang sa bintana nila.

Isang gabi nasa binta na uli ang bata at umiiyak. Wala ang papa niya. Halos maghahating gabi na.  Naaksidente pala si Greg. Dumating doon sa bahay ang mga tanod ng barangay para mag-abiso.  Habang nasa ospital si Greg ako ang nag-aasikaso sa kanyang anak. Halos isang linggo rin siyang na-confine. Tuwang tuwa si Greg at ang bata dahil sa pagtulong ko sa kanila. Simula noon naging magaang ang pakikitungo ko sa kanila. Niligawan na ako ni Greg. At ako na nga-yon ang bagong mama ng kanyang anak.

Nadia

Dear Nadia,

Parang isa kang mabuting Samaritan sa bible o sabihin na nating isang guardian angel. Happy ako sa inyo, lalo sa iyo. Sapagkat dahil sa iyo nabuo ang pamilya ni Greg. Bilid din ako sa naging desisyon mo. More power sa inyo. Sana madagdagan pa ang anak ninyo ni Greg. Stay safe!

DR. LOVE

GREG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with