^

Dr. Love

Broken promise

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nang nililigawan pa lang ako ni Mando, halos ipangako niy asa akin ang buwan at mga bituwin. Tawagin mo nalang akong Fina, 25 anyos. 18-anyos lang ako nang ligawan niya ako. Palibhasa’y magarang manamit at mukhang puro mamahalin ang gamit, napabilib niya ako sa kanyang mga pangako.

Sabi niya, ang honeymoon namin ay sa Paris at ititira niya ako sa magarang tahanan na maraming katulong. Naging kami at 21 anyos ako nang kami ay magpakasal.

Itinira niya ako sa mumurahing apartment. Nang tanungin ko kung nasaan naa ng pangako niyang honeymoon sa Paris at magarang bahay, sabi niya magsisikap siya sa pagnenegosyo para maipagkaloob niya iyon.

Pero halos limang taon na kaming kasal at may isang anak, hindi pa natutupad ang pangako niya. Kunsabagay, masipag si Mando. Wala man kaming kotse, nakabilisiya ng motorsiklo. Hindi rin kami nagugutom dahil good provider siya at responsableng asawa. Masama lang ang loob ko dahil sa broken promise niya. Ano ang gagawin ko?

Fina

Dear Fina,

Kalimutan mo ang pangako para mas ma-appreciate mo ng todo ang responsableng asawa mo. Mapalad ka kay Mando!

Dr. Love

 

 

 

 

 

PROMISE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with