^

Dr. Love

Hindi mapatawad ang parents

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Jella. Nagpapasalamat lang ako sa bf ko dahil siya lang ang nagtiyagang unawain ang sakit na nararamdaman ko. Naging magagalitin ako nang maghiwalay ang parents ko. Sa kalagitnaan ng pag-aaral ko sa kolehiyo. Second year BS marketing ako.

Simula ng matira ako sa tiyahin ko, lumalala ang depression ko. Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ang parents ko. Naaapektuhan na ang  online class ko. Mnsan pinag-share kami ng adviser ko ng mga experience naming sa buhay. Nakapag-open ako at nakagaan ng kalooban ko ‘yun. May classmate din ako na may kapareho kong experience. Ang maganda sa kanya, nagawa niyang tulungan ang sarili niya para matanggap ang masaklap na nangyari sa kanyang mga magulang.

Doon nagsimula ang pagtsa-chat naming sa fb. Natutuwa ang tiyahin ko dahil  nagkaroon ako ng kaibigan na hindi niya akalain na pagtitiyagaan ako.

Salamat talaga dahil ipinamumulat niya na kaya naming maging maayos ang aming buhay sa kabila ng malungkot na nakaraan. Mag-iisang taon na kaming on relationship.

Jella

Dear Jella,

Laging may paraan ang Diyos. Maaaring naging tulay ang boyfriend mo para matanggap mo at makapag-move on sa kalagayan mo.

Paalala lang dahil kailangan mo pa ring mag-focus sa pag-aaral ninyo upang lalong maging maganda ang inyong kinabukasan.

Lagi kang makikinig sa tiyahin mo at sundin ang kanyang mga payo sa iyo. Sikapin mo rin mahagilap sa puso moa ng pagpapatawad sa iyong mga magulang. May mga sarili silang dahilan kung bakti ayaw na nilang magsama. You pray for them, alalahanin mon a ama at ina mo pa rin sila.

DR. LOVE

vuukle comment

JELLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with