^

Dr. Love

Nagtatalo dahil itinagong pera

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Dominador. Hindi maintindihan ng asawa ko kung bakit kailangan ko ilihim sa kanya na may pera ako. Sinabihan niya akong sinungaling.  Para sa kanila rin naman na pamilya ko ang itinago kong pera, Dr. Love.

Mahirap mawalan ng pera. Kaya kung may sumobra sa mga raket ko, itinatabi ko.

Nagulat lang naman daw si misis. Sinabi ko kasi na siya muna ang bahala sa pang-enroll ng anak namin.  Ang akala niya, ayaw kong sagutin ang pagpapaaral sa anak namin.

Ayaw niyang magbayad sa enrollment, umiiwas daw ako sa obligasyon ko. May binigay na ako sa kanya para sa enrollment, gusto pa niyang ako ang magbayad.

Ang perang naipon ko ay para lang sa pang-araw araw na gastos. Naku! Ilang beses na kaming nag-aaway dahil sa pera.

Dominador

Dear Dominador,

Maraming mag-asawa na ‘yan ang problema, nag-aaway tungkol sa pera. Alam mo, bukod sa pambababae o panlalalaki,  ang isa sa pinakamala-king problema ng mag-asawa, ‘yan pera. Hindi lang dito sa ating bansa.  Mayaman man o mahirap. Minsan mainam pa na walang pera, walang pag-aawayan.

Ang totoo hindi ang pera ang problema, ang pagtatago ng pera ang nagiging sanhi ng pag-aaway.  Lagi ko namang sinasabi ito sa mga mag-asawa, magtulungan kaysa magbangayan.

Kahit kailan walang maitutulong ang pagsisisihan kung sino ang tama o mali sa inyong dalawa.  Kung kayong mag-asawa ay hindi magkasundo, sino ang magmamalasakit sa inyo, kayo pa ring dalawa. Mabuti kung may mga kamag-anak kayong tumutulong o biyenan, halimbawa.

Ang mabuti, mag-usap kayo ng maayos. Bilang tatay, obligasyon natin na suportahan ang ating asawa sa pagba-budget ng pera. Maging open ka lang sa misis mo, sabihin mong may pera ka para sa iba pang pagkakagastusan, bukod sa enrollment.

DR. LOVE

vuukle comment

DOMINADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with