^

Dr. Love

Ulirang ina, walang lambing kay Mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kung sa larangan ng pagiging housewife at  mabuting ina, wala na akong hahanapin pa sa aking asawa. Pero pagdating sa romansa, roon siya nagkukulang sa akin.

Tawagin mo na lang akong Eldron, 31 an-yos. Magkasing edad lang kami ng aking misis. Matanda lang ako ng isang buwan sa kanya. Pareho kaming 25 anyos nang magpakasal at sa loob ng anim na taong pagsasama namin ay nagkaroon lamang kami ng iisang anak.

Sa paglipas ng mga taon, ako na lang ang agresibo pagdating sa sex. Likas akong romantiko at kahit noon pa, sinabi ko sa aking sarili na mananatili akong sweet sa aking misis kahit tumanda na kami.

Gayunman, pagdating sa sex ay naging malamig na siya. Madalas nga, tinatanggihan niya ako kapag nag-aaya ako na kami ay magsiping. Kung hindi ko lang naiisip ang maayos niyang pagtupad sa kanyang tungkulin bilang housewife at ina ng aking anak, siguro hihiwalayan ko na siya.

Paano ba maibabalik ang dating init ng aming pagsasama?

Eldron

Dear Eldron,

Marahil, masyado nang pata ang katawan ni misis sa maghapong pagtatrabaho.

Wala ba kayong kasambahay? Kung wala, ikuha mo siya ng makakatulong sa bahay para naman hindi masagad ang kanyang katawan sa trabaho sa inyong ta-hanan, kasama pa ang pag-aaruga ng inyong musmos na anak.

Maglaan din kayo ng araw para magkakasamang mamasyal. Kailangan din ng tao ang dibersyon para makabawi ang katawan sa ritwal ng mga gawain sa araw-araw.

Mapalad ka sa iyong asawa kaya ang sinasabi mong problema ay huwag mong gawing dahilan para hiwalayan siya.

 Higit na importante sa ginagawa niya ay ang pag-aaruga at pagpapalaki ng maa-yos sa inyong kaisaisang anak.

Dr. Love

 

vuukle comment

HOUSEWIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with