^

Dr. Love

Optimistic si Lola

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Michelle, 26 anyos at may asawa. Anak ako sa pagkada-laga ng aking ina na ngayo’y may asawa na sa Canada. Nang mag-abroad si mama ay iniwan niya ako sa aking mga lolo at lola, na kinilala kong mga magulang.

Buti na lang at biniyayaan sila ng Diyos ng mahabang buhay para ako ay palakihin at sila ay halos sabay namatay sa old age nang ako ay may asawa na.  Ang asawa ko ay worry-bug. Laging aburido ang isip sa mga babayarang utang.

Ganoon din ang lolo ko na pinapayapa lamang ng aking optimistic na lola. Natatandaan ko na kapag nagmumukmok si lolo sa laki ng babayaran sa Nawasa at Meralco, sasabihin ni lola na huwag mag-alala at may darating na tulong mula sa Diyos at maaayos lahat ang kanilang dapat bayaran.

Ganyan din ang sinasabi ko lagi sa mister ko pero kahit hindi pa dumarating ang problema ay nababagabag na siya. Lagi tuloy mataas ang kanyang blood pressure. Laging mainit ang kanyang ulo sa pag-iintindi. Kung tutuusin, lagi naman kaming on time kung makapag-settle ng mga bayarin.

Ano ang dapat kong gawin?

Michelle

Dear Michelle,

Tanungin mo siya kung sa tagal nang inyong pagsasama ay nagkaroon na ng insidente na kayo ay naputulan ng kuryente o tubig? Kung hindi pa, sabihin mo na wala siyang dapat ipag-worry.

Dumarating ang blessing ng Diyos sa tamang oras. Hind maaga at hindi rin naman atrasado.

Ayon sa statistics, ang 90 porsyento ng ipinag-aalala ng mga tao ay hindi naman nangyayari. Pero likas na yata sa marami ang pagiging worry-bug na palatandaan ng kawalan ng pananampalataya sa Diyos.

Sabihin mo sa kanya na walang mabuting ibinubunga ang pag-aalala.

Basta manatili lang siyang sumasampalataya sa Panginoong na nangakong hindi tayo pababayanan kailan man.

Dr. Love

LOLA

MICHELLE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with