^

Dr. Love

Pinahihiwalay sa BF

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Maymay. Isinama ako ng tita ko rito sa Maynila. Magkahalong takot at saya ang naram-daman ko noon. Bilin ni nanay na huwag akong pabayaan ni tita.

Walang kasama sa bahay sila tita at tito dahil wala silang anak. Ako ang nagluluto at nag-aasikaso sa kanilang dalawa.

May edad na sila kaya kailangan nila ng kasama sa bahay.  Natatakot ako dahil sa mga napapanood ko na nire-rape ang mga dalagang tulad ko kapag nagpunta ng Maymila.

Minsan kapag naiiwan kami ni tito roon, nakakaramdam ako ng takot. Lalo na kapag tinatawag ako ni tito para pagsilbihan siya.

Kapag tumatawag ang nanay ko, lagi niya akong sinasabihan na mag-ingat ako at ayusin ko ang pakikitungo ko sa kanila.

Pinapayagan naman nila akong makisalamula sa mga kapitbahay namin at minsan isinasama nila ako pamamasyal sa mall. Masaya pero magastos pala rito. Hindi tulad sa probinsiya.

Hanggang sa nakilala ko ang kapitbahay na-ming si Cong.  Mabait siya, lagi niya akong kinukwentuhan ng tungkol sa buhay rito sa Maynila.

Tambay lang din siya at madalas siya ang tagalinis ng sasakyan ni tito.

Nagkagustuhan kami ni Cong. Kwela siya kaya gusto kong kasama siya. Kaya lang ayaw ni tito na mag-boyfriend ako, baka raw maaga akong mabuntis. Alam ko naman ang pangako ko kay nanay na hindi ako mag-aasawa agad at mag-iipon ako para makatulong sa kanila. Kaso tuwing makikita kami ni tito, pinaghihiwalay niya kami.

Maymay

Dear Maymay,

Alam mo, marami pa rin ang nangangarap na makaluwas sa Maynila. Mas mahirap ang buhay rito, kaysa sa probinsiya.

Tama ka, mas magastos at kailangan mong magsikap para kumita ng pera.

Syempre kailangan mo talagang mag-ingat kung gusto mong ma-ging maayos ang buhay mo rito sa Maynila.

Pero huwag mo namang pag-isipan ng masama ang tito mo. Kaya ka lang naman niya sinasabihan dahil sila ang mananagot kung anuman ang mangyari sa iyo.

Basta sundin at tuparin mo ang pangako mo sa nanay mo.

Mag-ipon ka at kung may maipapadala ka sa kanila, mas mainam. Ngayon pwede nang I-gcash o kaya money padala. Stay safe and God bless!

DR. LOVE

MAYMAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with