^

Dr. Love

Valentines gift

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Tawagin mo na lang akong Mr. Edison. Gusto ko lamang po hingin ang payo ninyo kung ano ang pinakamagandang regalo para sa aking misis sa darating na Valentine’s day.

Taon-taon kami nagse-celebrate. Dati kasi pagkatapos naming manood ng sine, kakain kami sa labas, mamamasyal sa mall at syempre may pa-surprise akong boque of flowers sa kanya.

Dahil pandemic pa rin, gusto ko maiba naman ang aming Valentine’s date. 20 years na kaming kasal at lagi kaming dumadaan sa church para magpasalamat.

Malalaki na ang aming mga anak. Masaya at simple lang ang buhay namin. May maayos akong trabaho. Si misis may online business naman kaya nakakapasyal-pasyal kami.

Hindi ko pa kasi alam kung ano naman ang magandang gimik ngayon. Pagpayuhan po ninyo ako.

Edison

Dear Edison,

Malapit na nga ang Valentine’s Day, ilang tulog na lang. Ang sweet mo sa misis mo, sana all!

May mga mister kasi na nakakalimutan na ang araw ng mga puso o araw ng pag-ibig.

Kung may mga pagkukulang ka sa buong isang taon sa misis mo, ito ang tamang araw ng panunuyo.

Lahat naman ng ce-lebrations ay pwede, ang mahalaga napaghahandaan mo ang mga espesyal na okasyon na tulad nito.

Marami kang mase-search sa internet na mga tips, how to ce-lebrate Valentine’s Day.

Ito lang ang naman ang maipapayo ko sa iyo, bigyan mo siya ng K.I.S.S. –Keep It Simple and Sweet. Tapos bigyan mo siya ng P.E.R.A— Prayer-Effort- Respect and Appreciation. ‘Yung mga usual na ginagawa ninyo ay pwede na, basta dagdagan mo lang ng mahigpit na yakap at sabihin mong I love you. Enjoy!

DR. LOVE

EDISON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with