Pinamihasa sa luho
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Andy, 30 anyos at may asawa. Matanda ako ng six years sa asawa kong si Minnie. 25 ako at siya ay 19 nang kami ay magpakasal. Teenager pa lang siya noon kaya hindi pa mature ang pag-iisip.
Disiotso pa lang siya nang magkaroon kami ng relasyon. Palibhasa, malakas akong kumita noon kaya naibibigay ko sa kanya ang ano mang gustuhin niya. Relo, singsing, mga mamahaling damit.
Namihasa siya sa ganoong ugali ko na mapagbigay kaya kasalanan ko rin kung bakit ganon siya until now. Hindi na kagaya ng dati ang trabaho ko at hindi na masyadong malaki ang aking kinikita, kaya kailangan nang sinupin ang aking income.
Noong una, siya ang pinamamahala ko sa lahat ng gastusin sa tahanan. Pero lagi kaming kinukulang dahil ang malaking bahagi ng expenses ay nasa pagbili niya ng mga bagong gamit. May dalawang na kaming anak kaya ipinasya ko na ako na ang magba-budget. Kaso inaaway niya ako lagi.
Binabantaan akong maglalayas siya kapag hindi siya ang hahawak ng aming pera. Ano ang gagawin ko?
Andy
Dear Andy,
Immature pa ang asawa mo. Paliwanagan mo siya na kailangang i-budget nang wasto ang mga gastusin at iprayoridad ang mga pangunahing pangangaila-ngan at hindi ang mga luho sa katawan. Unang-una ang pagkain siyempre, bayad sa kur-yente at tubig, at kung umuupa lang kayo ay ang renta sa bahay. Kung nag-aaral na ang inyong mga anak, dapat nakasubi na rin ang pang-matrikula at baon.
Turuan mo siyang mag-budget at bigyan mo pa siya ng tsansa na maging treasurer ng inyong pananalapi. Kung ang suweldo mo ay P 50- k bawat buwan, itabi ang sampung libong piso bilang savings na gagalawin lang sa panahon ng kagipitan. ‘Yung natitirang kuwarenta mil ay hahatiin na sa mga gastusin. Itabi mo na rin ‘yung para sa expenses mo sa pag-oopisina. Wala munang luho at mga gastusin na puwede namang ipagpaliban.
Dr. Love
- Latest