^

Dr. Love

Apektadosa trahedyang sinapit ng best friend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Leo. Maganda ang buhay namin noong mga nakaraang taon. Nagtatrabaho sa abroad ang misis ko habang ako naman ang nag-aasikaso sa mga anak namin at iba pang gawaing bahay.

Sa madaling sabi, nag-full time father ako. Mayroon din naman akong tindahan para nalilibang ako kapag busy sa kanila-kanilang academic activities ang aking mga anak.

Ok naman ang aming communication na mag-asawa. Lagi ko siyang kinukumusta kung ano ang ganap niya sa Qatar. Tungkol sa mga padala niya, sinisigurado ko na naba-budget ng maayos at nakapagtatabi ako sa savings para sa mga bata.

Nakapagpundar na kami ng mga gamit at syempre inuna ko ang bahay namin. Pinaayos ko at mayroon kaming sasakyan, eco sport at isang motor na gamit ko kapag namimili.

Pero bigla na lang akong kinontak ng employer ng misis ko at ng agency nila. Kailangan daw umuwi ang aking asawa dahil hindi na siya nakakausap at hindi na siya normal.

Sanhi ito nang masaksihan niya kung paano nalaglag ang kanyang kasamahan mula sa 6th floor ng kanilang dorm na tinitirhan. May problema raw ang kasama niya sa asawa kaya tumalon. Pero tuloy pa rin ang investigation sa case na iyon.

Malaki ang epekto nito sa misis ko dahil best friend ang turingan nila.

Bunga nito ang pagkawala ng source of income namin, mabuti na lang may naipon ako sa mga pinadala niya. Narito na sa Pinas ang misis ko, under medication pa rin siya. May mga hindi talaga inaasahang pangyayari sa mundo, Dr. Love kaya malaking bagay kung may ipon.

Salamat po sa pagkakataon na mailathala ang liham ko.

Leo

Dear Leo,

Maraming salamat sa iyong ibinahagi. Talagang mahirap ang sitwasyon kapag nasa abroad ang mahal mo sa buhay. Malamang alam ng misis mo kung gaano katindi ang pro-blema ng kasamahan niya. Kaya nakaapekto ng matindi sa kanya ang panagyayari. Hindi niya matanggap ang trahedyang nangyari sa kanyang best friend.

Huwag ka magsawang alagaan ang misis mo. Anuman ang mangyari, mas higit ka niyang kailangan kaya tibayan mo ang iyong loob. May awa ang Diyos. Ipagdasal mo ang kanyang maagang paggaling. Tiis-tiis lang, malalagpasan din ninyo ang pagsubok na inyong nararanasan.

DR. LOVE

LEO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with