^

Dr. Love

Sugarol pala ang partner

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Amber. Wala na akong maisip gawin sa naging asawa ko. Hindi kami kasal pero nagsama kami nang matagal. Tatlo ang naging anak namin. Ayoko na sanang ungkatin ang lahat ng ginawa niya sa akin.

Mahal ko siya dahil siya lang ang nakapansin sa akin. Isa akong tahimik na tao. Trabaho at bahay lang ako. Kung may mag-aaya sa akin na makipag-inuman o gumimik ay hindi ko napapagbigyan. Mas gusto ko ang mag-isa eh.

Nang makilala ko ang babae na, sabihin na nating minahal niya rin ako. Ngunit habang tumatagal, nakita ko ang kanyang pagbabago. Lumitaw ang tunay niyang pagkatao.

Mahilig pala siyang magsugal. Nung una, pinapayagan ko siya, baka gusto lang niya ng libangan. Nang dumadalas na ang talo niya, lagi na siyang magagalitin.

Nagsimula na rin siyang mangutang nang mangutang sa mga kamag-anak ko. Kapag hindi niya mabayaran ang kanyang utang, ako ang nag-aabono. Minsan nangungutang siya uli para makabayad sa mas malaking utang niya, kaya natatambak at lumalaki ang mga utang.

Dahil sa kahihiyan, umalis siya sa lugar namin. Umuwi siya sa kanila at dinala niya ang aking mga anak.

Naiwan akong mag-isa. Ang lagi niyang kinukulit sa akin, may gf daw akong iba kaya ayaw ko siyang samahan sa kanilang probinsiya.

Hanggang ngayon, nanghihingi siya ng sustento para sa mga anak ko. At pinasasagot niya sa akin ang mga utang niya na dapat bayaran.

Gusto ko nang putulin ang ugnayan ko sa kanya, total hindi naman kami kasal pero naaawa ako sa mga bata.

Amber

Dear Amber,

Tinamaan ng magaling ang babaeng iyon. Nasa iyo ang desisyon kung gusto mo na ganap nang putulin ang pagsasama ninyo.

Pero alanganin kung hindi ka na makikipagkomunikasyon, paano ang tatlong anak ninyo?

Maaari ka pa rin naman magsustento sa mga bata, basta tiyakin mo na talagang napakikinabangan nila ang padala mo, at hindi ipinansusugal ng kanilang ina.

Makakabuti kung hihingi ka ng legal advice para matiyak ang tugmang hakbang na dapat mong gawin sa problema mo.

Maraming salamat sa iyong ibinahagi.

DR. LOVE

AMBER

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with