^

Dr. Love

Hindi raw bagay

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mainit na pangungumusta ang ipinaaabot ko sa iyo. Tawagin mo na lang akong Doc. Lenny. Nakapasa ako  sa board four years ago pero hindi muna ako nag-asawa.

Ang aking boyfriend ay isang physical therapist. Kasabay ko siyang pumasok ng pre-med, pero hindi siya nagpatuloy sa pagka-doktor dahil sa kakulangan ng pera.

Noong estudyante pa kami ay tanggap ng mga magulang ko ang aming relasyon. Pero nang hindi makapagtapos ang boyfriend ko ay tumututol na sila na siya ang makatuluyan ko.

Sabi ng parents ko, alangan na raw kami dahil ako ay isa nang doktora.

Binibigyan naman nila ako ng layang magpasya sa aking sarili pero kung maaari raw ay huwag na sa kasalukuyang boyfriend ko.

Naguguluhan ako. Ever since ay masunurin ako sa magulang. Ginusto nilang maging doktor ako at pinagbigyan ko sila.

Mahal ko sila at ayaw kong sumama ang loob nila sa akin.

Balak kong makipag-break sa boyfriend ko pero nagdadalawang-loob ako. Kasintahan ko na siya since high school at mahal ko siya.

Ano dapat ko’ng gawin?

Doc. Lenny

Dear Doc. Lenny,

Binibigyan ka nila ng layang magdesisyon sa iyong sarili. Ibig sabihin, suhes-tyon lang ‘yung sa kanila, kung puwede lang o kung papayag ka.

Palagay ko hindi maghihinanakit sa’yo ang iyong mga magulang.

Mauunawaan nila na kaligayahan mo ang nakataya, kaya hindi sila maghihinanakit sa iyo kung magkatuluyan man kayo ng boyfriend mo.

Isa pa, halos iisang linya ang inyong propesyon. Doktora ka at physical therapist siya. Naniniwala ako na hindi imposible na makapasa rin siya.

Maaari kayong magtayo ng sariling klinika na kayong dalawa ang manga-ngasiwa.

Huwag mo siyang kalasan kundi sundin mo ang iyong puso.

Dr. Love

vuukle comment

DOKTORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with