^

Dr. Love

Type ang taken na

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Carlito po ng Sampaloc. May bago akong kasamahan dito sa company na pinapasukan ko. Mabait at maganda siya. ‘Yun lang, may bf na.

Nitong mga nakaraaan araw, nararamdaman kong gusto niyang maging close sa akin. Pero hindi ako sure kung pinapadama o pinaiikot lang niya ako. Ang alam ko, may bf siya, kaso panay ang lapit niya sa akin at hingi nang hingi ng pabor para mapansin ko siya.

Matagal na rin akong may crush sa kanya. Hindi ko lang pinapansin dahil nga baka malagot ako sa bf niya, ang laking lalaki pa naman. Baka buhatin lang ko at ihagis.

Ganda niya kasi, lalo na kapag ngumiti, kitang kita ko ang malalim niyang dimple. Noong nakaraang taon Christmas party namin, naka-gown lahat ng mga babae. Ay naku, para siyang isang prinsesa sa ganda ng gown niya. Bagay na bagay sa kanya.

Hindi ko alam kung ipapaalam ko na sa kanya na may gusto ako sa kanya.  Baka pagsisihan ko lang ang gagawin ko.

Madalas na kasi akong napapahiya sa babae. Binibigyan ko raw ng kulay ang pagiging close nila sa akin.

Syempre hindi ko naman maiwasan ‘yun dahil lalaki ako. Masaya ako kapag nakikita ko siya. Nabubuo ang araw ko. Sana… umaasa ako na magkaroon pa ng pagkakataon para maligawan ko siya ng maayos.

Pero mukhang nagkakaigihan sila ng kanyang bf. Lagi siyang sinusundo sa opisina.

Carlito

Dear Carlito,

Huminahon ka. Dahan-dahan ka lang. Baka naman gusto lang talaga ni girl na maging  close kayo dahil nga bago siya. Kung hindi ka mag-iingat, baka makabangga mo ang bf niya. Depende sa iyo kung gaano ka kaastig para makipagkompitensiya sa kanya.

Ang magandang gawin mo, kaibiganin mo muna si girl. Wala ka rin namang magagawa dahil nalilimitahan ka ng situwasyon.

Malalaman mo naman kung may pagtingin rin sa iyo ang isang babae o wala. Tama ang sinasabi ng iba mong nakilala…huwag mong bigyan ng malisya ang pakikitungo sa iyo ng mga babae. Natural na malambing sila, lalo na kung makikisuyo sa iba.

May mga bagay na dapat natin i-consider sa ating pakikitungo. Ang maging magalang o maginoo sa mga babae. Mainam kung maki-pagkaibigan ka lang muna sa kanila para hindi rin sila mailang sa’yo.

DR. LOVE

SAMPALOC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with