^

Dr. Love

Kinaiinisan, pero hinahanap-hanap na

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Shane. Hindi ko tunay na pangalan.

Isa akong tindera sa Mami Pares dito sa Laloma. Naiinis lang ako sa isang lalaki na lagi akong tinatawag na best friend. Hindi kami close ng lalaking ito. Madalas nila akong biruin ng kasamahan niya sa trabaho, mga tubero sila.

Siguro mahilig siyang kumain sa Best friend. Sinabihan ko nga siya na baka mapagalitan siya ng may-ari ng kainan. Baka isipin ng amo ko na nakikipagharutan ako sa mga customer habang nasa duty.

Noong una, akala ko hindi ako bibigay sa tawag niya sa akin na best friend. Pero naging hugyat ito para hahanap-hanapin ko siya sa araw-araw ng pagsisilbi ko sa kainan.

Kapag naririnig ko na ang boses niya, bigla na lang kong natataranta. Magkahalong inis pero masaya.

Mabait siya at magalang naman, kaya pati ang amo ko tuloy… ang tawag sa kanya ay best friend.

Lagi naman siyang bumibili at sinasabi niyang pagkain niya at ng kanyang alagang aso.

Minsan, nagkausap kami, habang siya ay kumakain. Ang sabi niya, huwag daw akong matakot sa kanya dahil hindi siya masamang tao. Gusto lang daw niyang maging malapit sa mga tao, lalo na sa akin.

Tinanong ko siya kung may asawa na siya, wala naman daw. Hindi pa raw niya natatagpuan ang babaeng magpapatibok ng puso niya.

Unti-unti na siyang nagparamdam na gusto niya ako. Umasa naman ako sa kanya na itutuloy niya ang panliligaw sa akin.

Pero nitong huling araw, hindi na siya nagparamdam. Ang kwento ng kasamahan niya ay nagka-covid siya. Pati ang aso niya ay hindi na rin niya naalagaan, naunang namatay. Binilin niya na mag-ingat daw ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, kasi ang dating kinaiinisan ko, ngayon ay hinahanap-hanap ko.

Hindi ko alam na mangyayari iyon sa kanya. Nakakainis siya, dahil pinaasa niya ako. Kasi, siya lang ang matiyagang nakikipag-usap sa akin.

Umaasa ako na makayanan niya ang kanya naging kalagayan. Hoping na gumaling agad si best friend. Biruin mo kahit sa maikling panahon, may nakilalala akong best friend.

Salamat po.

Shane

Dear Shane,

Ganyan naman talaga minsan, ‘yung kinaiinisan natin, siya pang nagpapatibok ng atin puso. Ipagdasal natin na gumaling agad si best friend.  Huwag kang mag-alala, may awa ang Diyos.

Ang payo ko lang, ligawan ka man o hindi ni best friend ay ituring mo siyang tunay na best friend. Dahil sa panahon ngayon, mahirap na makahanap ng taong katulad niya.

DR. LOVE

SHANE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with