^

Dr. Love

Hindi easy to get

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi po. Please call me Cherrie, 25 anyos. Nagtatrabaho ako sa isang tanggapan ng gobyerno.  Hindi naman ako kagandahan pero sabi nga nila, malakas ang appeal ko at marami akong suitors.

Pero bakit ganun ang maraming lalaki? Kung tingnan ako ay para akong huhubaran. Kaya tingin ko sa kanila ay manyakis. Kaya tuloy hanggang ngayon ay ‘di pa ako nag-aasawa. Parang may phobia ako.

Minsang dumalo ako sa isang dance party, may nakipagsayaw sa akin na tinangka ako hagkan sa labi, kaya nasampal ko at iniwanan sa dance floor.

Say ng isa kong close friends, sobra raw akong moderno sa pananamit, maging sa kilos at pagbibiro. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay takot akong magka-boyfriend dahil lahat ng nanligaw sa akin ay may kalaswaan kung dumiga. Pero hindi ako easy to get.

Totoong makabago nga ako pero napapanga-lagaan ko ang aking virginity. Kaso, I cannot change myself for anyone. Iyan ang aking prinsipyo. Ano ang nararapat kong gawin?

Cherrie

Dear Cherrie,

Kakaiba ka sa lahat ng babae. Pero dapat baguhin mo ang iyong ugali upang respetuhin ka ng mga lalaki.  Baka naman kung manamit kay ay masyadong revealing kaya ang tingin ng boys sa iyo ay easy to get?

Huwag mong sabihin na prinsipyo mo na huwag baguhin ang iyong sarili para kanino man. Mali ang pananaw mo. Ang tao ay iginagalang depende sa kanyang  inuugali.

Kung ayaw mong magbago, aba, wala na akong maipapayo pa.

I just hope na may lalaking darating sa buhay mo na makakaunawa sa iyo.

Sakaling mangyari iyan at lalagay ka sa tahimik, hindi mo na puwedeng panatilihin ang kasalukuyang mong ugali alang-alang sa iyong asawa at magiging anak.

Kaya kung maaari, baguhin mo ang maling prinsipyo.

Dr. Love

CHERRIE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with