^

Dr. Love

Postponed uliang kasal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Cel. Dalawang beses nang naurong ang kasal namin sa simbahan. Ayaw naman namin ng civil para isahan na lang ang preparasyon.  Bukod sa pabalik-balik kami sa pag-aayos ng papeles, ang dami pa rin na-ming dapat sabihan na hindi tuloy ang kasal. Ang pinakamahirap, i-cancel ang catering at ang pagbu-book ng panibago sa hotel.  Ang marriage permit din ay nage-expire. Kaya ito, kami, tiis-tiis at naghihintay.

Noong isang taon naka-schedule kami ng June para nga June Bride, kaso na-postponed dahil sa pandemic.

Inusog namin ng August 7, sakto sarado ang mga simbahan at hindi naman tuloy ang kasal. Ok naman dahil nagsasama na kami kaso isisilang ko na ang first baby namin sa September.

Mauuna pa yata ang binyagan bago ang kasalan. Mas mainam kasi kung nakasal muna kami. Hindi naman siguro malaking isyu para sa anak namin kung bakit nauna siyang isilang bago pa ang kasal namin.

Hiningi ko naman ng permiso sa magulang namin na magsama na kami ng mister ko.  Hopefully matapos na ang lockdown na ito para maikasal na kami. Para mairaos namin kahit simple at konti lang ang bisita namin.

Cel

Dear Cel,

Ang ideal ay makasal muna kayo, bago magsama.Ito ang aral at turo ng simbahan. Pero ano nga ba ang magagawa natin kung tala-gang nasasakto sa ECQ.

Ang pinakamaha-laga naman sa pag-aasawa ay ang inyong matibay na relasyon at pagmamahalan sa isa’t isa. Hindi naman magiging malaking isyu ito para sa inyong anak. Eh, ano pa ba ang magagawa natin, nasaktong quarantine.

Ngayon palang binabati ko kayo! Mabuhay ang bagong kasal!

Alalahanin lamang ninyo na mas maganda ang pagsasama ninyo kung kayo ay may basbas ng Diyos.

DR. LOVE

CEL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with