^

Dr. Love

Pati parents ng gf, Pinapasaya ng bf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Mizha. Natutuwa ako sa aking bf dahil hindi lang ako ang pinahahalagahan niya, sinisigurado niyang masaya rin para sa kanya ang aking mga magulang.

Hindi tulad ng mga naging bf ko. Ang gusto nila, ako lang at wala silang pakialam sa aking mga kamag-anak.

Ayoko ng naglilihim sa parents ko kapag may bf ako. Kaya sinisigurado ko rin na mahal din ng bf ko ang aking relatives. Madali kasi akong maturn-off kapag possessive ang nagiging bf ko.

Siguro magtataka kayo dahil bihira na sa mga kabataan ngayon ang nago-open up sa kanilang parents. Gusto ko lang ng disente at maginoong bf.

Pangarap ko kasing makasal na tulad ng mama ko, na dadalhin akong malinis at buong buo sa dambana ng altar.

I’m not comparing my self sa iba, but that makes me happy. At ang nakakatuwa, matatag-puan ko ang bf na para sa akin.

I hope hindi siya magbago at mangyari sa amin ang matagal ko nang pinangarap, masaya at taos pusong pagmamahalan namin sa isa’t isa. Thank you po at sana maging inspirasyon din ng mga kabataan na huwag nilang itago ang kanilang relationship sa kanilang parents.

Mizha

Dear Mizha,

Sana all, tulad ng sa relationship ninyo. Nakakatuwa lang isipin na may mga kabataan na ganyan pa rin ang pag-iisip.

Alam mo, minsan kasi dala ng takot o sa mga hindi inaasahang pagkakataon kaya naililihim ng ibang kabataan sa kanilang parents ang kanilang pakikipagrelasyon.

Kung nasa wastong edad naman kayo, bakit ililihim pa ninyo ang inyong relationship. Pero kung wala pa kayo sa edad, sa mga ganyang situwasyon, kailangan ang patnubay nila.

Mainam na maliwanag ito sa kabataan, huwag masyadong mapusok. Maghinay-hinay at ilagay sa tamang lugar ang mga nais gawin sa ating buhay.  Dahil hindi naman magagalit ang parents ninyo kung tama at nasa mabuti ang inyong mga ginagawa.

DR. LOVE

BF

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with