^

Dr. Love

Biyuda ang gf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Piolo. Hindi ko alam kung paano ako magpapaalam sa isang biyuda na naging karelasyon ko.

Mahal na mahal niya ako. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na mahal ko rin siya katulad ng kanyang inaasahan. Itinuturing ko siyang bahagi ng aking buhay.

Wala naman kaming problema sa aming dalawa, ang problema ko ay ang panganay niyang anak. Ayaw niya sa akin dahil halos magkasing edad lang kami.

Tigilan ko na raw ang panloloko sa mama niya.

Binata ako at wala naman akong obligasyon. Wala rin siyang pananagutan na dahil malalaki na ang kanyang mga anak.

Bigay-luho at masaya ang buhay ko sa kanya. Alam ko naman ang ginagawa niya sa akin. Ipinakikita lang niya na mahal na mahal niya ako. Gusto ko lang patunayan sa anak niya na hindi lang pera ang hanap ko sa mama nila.

Minahal ko na rin siya kahit na may edad siya sa akin.

Sinabihan niya ako na kapag hindi ko nilubayan ang kanilang mama, may kalalagyan ako. Hindi naman sa natatakot ako sa banta niya. Gusto ko lang ng tahimik na buhay.

Ang mas inaalala ko, baka malungkot at masyadong damdamin ng gf ko. Nahihirapan akong magdesisyon.

Piolo

Dear Piolo,

Timbangin mo ang iyong sarili. Kung kaya mong mahalin ng tapat ang biyuda mong gf, bakit kailangan mo siyang iwan. Hindi mo ba siya kayang panindigan?

Wala kang dapat patunayan sa iba kung tunay naman ng iyong pagmamahal.

Ikaw at ang gf mo ang magpapasya sa inyong buhay. Igalang mo ang sinasabi ng kanyang anak, ngunit hindi ibig sabihin ay siya ang masusunod.

Huwag kang sumuko at hayaan mong mapatunayan ninyong dalawa na walang pwedeng humadlang sa taong nagmamahalan.

Ayain mo na siyang magpakasal para maging maayos na ang inyong kalagayan.

Dr. Love

BIYUDA

DR.LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with