^

Dr. Love

Bantay-sarado sa pagtatato

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago na lang ninyo akong Michael Angelo. Matagal na akong nagtatato. Marami na rin akong mga naging customer na babae, ang iba ay dalaga.

Kapag nagtatato ako, laging nakabantay si misis, lalo na nung  isang babae ang nagpapatato sa kanyang dibdib. Nung umpisa, sinabihan niya akong tanggihan ko na lang. Pero willing ang babae na magbayad ng mahal. Lalagyan ko lang ng bulakalak ang kanyang cleavage at pangalan niya sa tumbok ng kanyang malusog na suso.

Pilit kong pinaliliwanag sa aking misis na trabaho lang iyon. Sa amin, bilang propesyonal na magtatato bawal ang magbigay ng motibo sa customer. Kaya isang challenge sa akin ang mga ganitong project.

Pumayag naman si misis pero bantay sarado ako. Pressured tuloy ako. Hindi kasi maiwasan na mahawak ko ang suso ng dalaga. Tapos nanlalaki ang mata ng misis ko habang nakatitig siya sa amin.

Madalas naming pag-awayan kapag may costumer akong tulad nito. Pero ano ang magagawa ko, sayang naman ang kikitain ko. Lalo ngayong panahon ng pandemya, sabado at linggo na lang halos ang dating ng costumer ko.

Michael Angelo

Dear Michael Angelo,

Tanong mo sa misis mo kung ano ang gusto niyang mangyari sa buhay ninyo. Kailangan mong kumita ng pera. Kung wala ka namang malisya sa mga ginagawa mo ay isang marangal na trabaho ang pagtatato.

Sabihan mo siya na huwag masyadong selosa. Sagabal ‘yan sa magandang buhay.

Kung nakikita mong kaunti ang kita mo sa pagtatato sa panahon ngayon, maaari ka ring humanap ng ibang sideline para madagdagan ang iyong kita habang wala ka pang costumer sa pagtatato.

Mabuhay ka at pagbutihan mo ang iyong marangal na hanapbuhay.

DR. LOVE

vuukle comment

MICHAEL ANGELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with