^

Dr. Love

Nakukunsumi sa manugang

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Mariz. Mabait ako kung mabait ang asawa ng anak ko. Ang gusto ko lang, maging maayos ang kanilang buhay. Dapat silang dalawa ang magdedesisyon sa buhay nila. Ang problema hindi sila makapagdesisyon sa sarili nila.

‘Yan ang sinasabi ko, maagang nag-aasawa tapos wala namang kaplano-plano sa buhay.

Gusto ko nga paghiwalayin sila, ayaw lang ng mister ko. Kami naman ang nag-aaway dahil sa kanila.

Akin ang babae, kaya lalo akong naiinis. Matapos buntisin, gusto pang tumira at umasa sa amin. Sinabi ko na sa kanila na dapat matuto silang tumayo sa sarili nilang paa.

Ang mister ko, ang gusto na rito na muna sila tumira para maalagaan at magabayan niya ang anak ako. Gusto rin naman ng mister ko na makita ang apo namin.

‘Yun lang, nag-iinit ang ulo ko kapag nakikita kong nakahilata lang sila at naglalaro ng ml.  Naghahanap naman daw ng trabaho itong si lalaki, pero ang tagal nang nakatengga lang sila sa bahay.

Kung hindi lang sa mister ko, palalayasin ko na ang asawa ng anak ko. Balak kong kami na lang ang mag-alaga sa anak ko at sa  aming apo.

Ay itong mga kabataan, masyadong mapusok pero kapag problema na, aasa pa rin sa magulang.

Mariz

Dear Mariz,

Ganyan talaga ang buhay ng mga magulang. Matapos palakihin at pag-aralin ang ating mga anak, akala mo tapos na ang iyong reponsibilidad sa kanila.

Konting pasensiya pa. May katwiran ang mister mo. Ang gusto niya ay maging maayos ang kanilang kalagayan. Kung paghihiwalayin mo sila, magiging dahilan pa ito ng mas mala-lang problema.

Enjoy mo na rin ang mag-alaga ng apo mo. Hindi naman makakatulong kung sisigawan at pagagalitan mo sila. Lalo lang sila magmamatigas at lalayo ang kanilang kaloooban sa iyo. Please support them para na rin sa apo mo.

Unti-unti lang, habang may panahon may pagkakataong magbago.

DR. LOVE

MARIZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with