Dahil sa babae
Dear Dr. Love,
Sa buong buhay ko, wala akong itinuring na pinakamatalik na kaibigan kundi ang pinsan kong si Romy. Tawagin mo na lang akong Ador, 23 anyos.
Napakalapit namin sa isa’t isa ng aking pinsan at sa katunayan, mas malapit kami kaysa aming mga tunay na kapatid. Sabay kaming gumradweyt sa college at hindi nagbago ang pagkakaibigan namin. Pati mga girlfriends namin ay naging close friends dahil sa closeness naming dalawa.
Madalas nga kang biruan namin, “Insan, mag-swap kaya tayo ng jowa?” at sasagutin niya ako ng “Oo, naman. Ikaw pa?”
Hanggang isang araw, ipinakita sa akin ni Romy ang bago niyang jowa. Sabi niya, ‘yun daw ang babaeng tunay niyang mahal at pakakasalan. Maganda ang bago niyang girlfriend at parang may nadama akong atrraction sa unang pagkikita.
Mula noon ay madalas kaming nagpapalitan ng text message ng babaeng ‘yun. Sinabihan ko siya na type ko siya at ang sagot niya ay “Sayang, kami na ng pinsan mo kasi.”
Nagtaksil ako, biglang nanlamig ang trato sa akin ni Insan. Nalaman ko na nabasa pala niya ang text message ko. Tahasang niya akong sinumbatan, nag-sorry ako sa kanya. Kahit pa pinatawad niya ako ay hindi na nagbalik sa dati ang aming closeness. Ano ang gagawin ko?
Ador
Dear Ador,
Ikaw ang nagkamali, ikaw ang magsikap na maibalik ang pagkamalapit ng inyong pagkakaibigan ng pinsan mo. Paulit-ulit kang humingi ng tawad at sabihin mo na matindi mong dinaramdam ang pagkakalayo ng inyong kalooban.
Sabihin mo rin na nagbibiro ka lang gaya nang dati ninyong biruan na mag-swap ng girlfriends. Palagay ko huhupa rin ang kanyang galit. Natural lamang na magkaganoon ang kanyang damdamin dahil ang bago niyang girlfriend ang unang babae na minahal niya ng tunay at balak pakasalan.
Dr. Love
- Latest