^

Dr. Love

Naglilihim tungkol sa pera

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Aling Bel. Hindi ko po alam kung paano masusulusyunan ang problema naming mag-asawa, laging nagtatago ng pera ang mister ko. Hindi niya sinasabi kung may naitatabi pa siyang pera.

Madalas kapag may pera siya, inaaya niya ang kuya ko para mag-inuman sila. Minsan humihingi pa siya sa akin ng pang-inom kapag gusto pa niyang uminom.

Hindi ko naman siya pinipigilan sa kung ano ang gusto niya. Nanghihinayang lang ako sa mga pangtutustos niya sa mga walang kwentang bagay.

Bukod sa pag-inom, kapag may nagustuhan siya tulad ng bike. May bike na siya, bibili pa siya uli. Tapos pinahihiram lang niya sa iba.

Ako pa ang sinisisi niya, huwag daw akong masyadong pakialamero. Ang iniisip ko lang naman ay kung dumating na mawalan na naman siya ng hanapbuhay.

Kakapirangot lang ang ibinibigay niya, siya  pa ang may ganang magsabi na pati raw ang perang nasa kanya ay pinapakialaman ko.

Pinagkakasya ko na nga lang ang panggastos namin araw- araw. Mabuti at natutulungan ko siya sa pag-online selling ko ng mga RTW na damit.

Sana maunawaan niya na hindi madaling i-budget ang sweldo niya lalo na kung kulang. Tapos nakukuha pa niyang gumastos nang gumastos.

Aling Bel

Dear Aling Bel,

Dapat lang mapayuhan ang mister mo. Hindi naman masamang magtabi ng pera para sa sarili kung ikaw ay may asawa na. Pero kung ginagastos lang sa bisyo at sa luho, ibang usapan na iyon.

Kailangan masabihan o mapayuhan ang mister mo, ang pinakamainam ay ang biyenan mo. Kung ayaw niyang makinig sa iyo ay pwede pang lumala ang sitwasyon ninyo. Humingi ka ng tulong sa biyenan mo. Hindi para isumbong at pagalitan siya, kundi para masolusyunan ang problema ninyo.

Kung nahihirapan ka sa situwasyon ninyo, huwag mo siyang awayin o papatulan. Mas makakabuti kung lagi mo siyang papaalala-hanan sa kanyang responsibilidad bilang asawa at ama ng inyong mga anak.

Ipagdasal mo rin na maunawaan niya ang lahat ng iyong hinaing. May awa ang Diyos. Magtiyaga ka na may pagbabagong mangyayari sa inyong buhay.

DR. LOVE

BEL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with