Mama’s girl ang asawa
Dear Dr. Love,
Ako po si Kim. Kakakasal lang namin nitong February. Ok naman ang lahat, masaya kami sa buhay namin.
Kaso may araw na naiinis ako sa misis ko, sumbong kasi nang sumbong sa biyenan ko. Napaka-mama’s girl. Alam ko naman na naga-adjust kami bilang mag-asawa.
Hindi ako tuloy makakilos ng maayos. Nakahiwalay naman kami ng bahay pero panay ang chat ng biyenan ko, lagi siyang kinukumusta.
Ma-late lang ako ng konti ng uwi, naka-report na kaagad sa mama niya. Sinabihan ko na rin siya na magtiwala lang siya sa akin, para hindi kami nagtatalo kapag may nagawa akong hindi niya gusto.
Matagal naman kaming mag-on. Almost 5 years kami engage, kaya ang ini-expect ko, hindi na siya nagdududa at mag-iisip ng kung anu-ano tungkol sa mga ginagawa ko.
Ewan ko, siguro natatakot siya na baka bigla akong magbago dahil kasal na kami. Hindi naman ako ganoon, kaya sana maunawaan niya ako. Ano po kaya ang magandang gawin para mawala ang duda ni misis at hindi niya ako isusumbong sa mama niya?
Kim
Dear Kim,
Huwag kang masyadong mag-alala sa misis mo. Lalo na sa biyenan mo. Ganyan talaga ang stage of adjustment. Syempre iba na ngayong mag-asawa na kayo, marami nang dapat limitahan. Hindi ka na binate, kaya ang priority mo ngayon ay ang iyong asawa’t magiging anak.
Kaya ganun na lang ang pag-alala ng misis mo. Marami kasing nagbabago ang ugali kapag kasal na. Minsan mas mainam na mag-on kayo, kasi maingat at maalalahanin ang lalaki. Tapos kapag mag-asawa na sila, hayun pinababayaan na ang asawa. Ayaw malamang ng misis mo na mangyari sa inyo ang mga ganong situwasyon. Better to make some changes na magiging kampante siya sa iyo. Lagi mo siyang paalalahanan na mahal mo siya at hindi ka magbabago, at hinding hindi mo siya bibiguin sa mga pangarap niya sa inyong binubuong pamilya.
Hangad ko na maging masaya ang inyong pagsasama bilang mag-asawa.
DR. LOVE
- Latest