^

Dr. Love

Tutor na nililigawan ng naging student

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Mr. Raffy. Isa sa akong tutor ng mga nursing students. Tumanda na akong binata dahil sa pagtuturo. Marami na akong experience na naaakit ako sa aking mga nagiging students.

Pero syempre, professional ako at hindi ako pumapatol sa students ko. May naging student ako na sinabihan ako na kapag naka-graduate siya at naging professional na rin ay hahanapin daw niya ako at hindi siya titigil na mapasagot niya ako.

Baligtad pa nga, ako pa ang nililigawan. Hindi naman ako gwapo, pero may konting kakulitan. Siguro ‘yun ang nagugustuhan nila sa akin, ang pagiging kwela ko at malambing.

Ang akala ko hindi niya tototohanin. Nagulat na lang ako na bumalik siya at tinatanong niya kong single pa rin ako. Natawa lang ako sa kanya at hindi ko na-feel ang mga sinabi niya noon.

Pero in fairness, mas maganda siya ngayon kaysa noong student ko pa siya.

Anyway to make my story short, nakuha niyang paikutin ang ulo ko. Sinimulan niya sa mga paaya-aya sa paglabas para kumain at magkwentuhan nang kung anu-ano.

Hanggang muling tumibok ang puso ko. May edad na ako at ayaw ko sanang agawin ang mga pangarap niya.

Sabi niya, kahit anong mangyari basta’t maging kami dahil matangal na siyang nagtitiis dahil mahal na niya ako.

Mr. Raffy

Dear Mr. Raffy,

Ang tiyaga naman ng girl na’yan. Tingin ko tinamaan nang husto sa iyo ang naging student mo. Wala namang problema kung wala kayong committment sa iba.

Kung may nararamdaman ka na rin sa kanya, ituloy mo na. Kayo naman ang gagawa ng inyong future. Huwag kang mag-alala sa edad, marami namang ganyan din ang situwasyon tulad ng sa inyo.

Mas mainam na mapunta siya sa tamang tao na mahal niya. ‘Yun ay ikaw.

Kaya huwag kang mangamba, bagkus pasalamat ka sa Maykapal at may nagmamahal sa iyo.

DR. LOVE

vuukle comment

RAFFY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with