^

Dr. Love

Paano ang magpatawad?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Dati kong best friend ang aking bilas. Asawa siya ng panganay na kapatid ng aking mister na nagtatrabaho sa Middle East. Tawagin mo na lang akong Estrel, 25 anyos. Naging matalik kaming magkaibigan ng bilas ko dahil very close din ang mister ko sa kuya niya.

Pero hindi ko akalain na isa palang ahas ang bilas kong ito. Bagong kasal lang kami ng mister ko nang magtrabaho siya sa Dubai, may limang taon na ang nakararaan. Nang minsang nakabalik siya sa Pilipinas ay doon kami nagkaanak.

Pero nagkalat ng kasinungalingan ang bilas ko. Iba raw ang ama ng dinadala ko sa sinapupunan.  Hindi ko alam kung bakit ginawa niya ‘yun. Hindi naman naniwala agad ang asawa ko nang makausap ko siya sa Skype. Kahit ang kuya ng mister ko ay nagalit sa asawa niya at tinanong kung saan niya napulot ang sinabi niya. Kinasuklaman ko mula noon ang aking bilas.

Nang  magbalik muli sa bansa ang mister ko, ipina-DNA test namin ang baby at napatunayang 98 percent na anak siya ng aking mister. Kahit humingi na ng tawad sa aming lahat ang bilas ko, hindi ko na maibalik ang dati kong closeness sa kanya. Sa loob ng puso ko, kinasusuklaman ko siya.

Nagbalik sa Dubai ang mister ko at tiniyak sa akin na buong-buo ang kanyang pagmamahal at tiwala sa akin. Paano ko mapapatawad ang bilas ko?

Estrel

Dear Estrel,

Ang pagpapatawad ay desisyon at hindi emosyon. Ideklara mo ang iyong sarili kapatawaran pero huwag mong asahan na mawawala agad ang sakit ng ginawa niyang paninira sa iyo.

Panahon lang ang makapagpapahilom sa sugat na idinulot sa iyo ng iyong bilas.

Ang Diyos ang may utos na tayo ay magpatawaran sa isa’t isa. Bago Niya tayo patawarin ay dapat muna tayong magpatawad sa mga nagkasala sa atin. Sabihin mo mula sa iyong labi na pinapatawad mo na ang bilas mo at nakikita mong makadarama ka ng ginhawa sa iyong kalooban.

Hangga’t hindi ka nagpapatawad, ikaw lang ang magdurusa sa bigat ng galit na nararamdaman mo.

‘Yung sakit na nadarama mo ay maaaring manatili nang ilang panahon pero darating ang puntong mawawala rin iyan.

Dr. Love

BILAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with