^

Dr. Love

Takot mapuna ng iba

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Gusto ko lamang pong ibahagi ang aming love story. Ako po si Debie wala po akong lakas ng loob na makisalamuha sa mga tao dahil kapag makikipag-usap ako, iniisip ko na laging may pangit na masasabi sa akin ang ibang tao.

Baligtad naman ang ginawa ng mga magulang ko, tinuturuan nila akong maging masaya at ibinigay kung ano ang gusto ko. Sa mga magkakapatid, ako lang ang laging nag-iisip ng pangit sa sarili ko.

Hanggang nag-high school ako. Kahit may mga kasiyahan sa amin, hindi ako namamansin. Ngiti lang ako ng ngiti sa kanila at hindi ako nakikipag-usap. Ayaw ko kasing may makialam sa buhay ko. Kahit nga parents ko, wala silang magawa. Sa mga pictures ko makikita ninyo na hindi ako ngumingiti at hindi ko inilalabas ang ngipin ko.

Hindi naman sa natatakot ako, pero ayaw ko lang may masabi ang iba. Mas gusto ko na ang ganito dahil hindi alam ng iba ang kwento ng buhay ko.

Kahit sa pag-aaplay ng trabaho, walang tumatanggap sa akin dahil parang malaki ang problemang dala ko dahil sa itsura ko. Hanggang nakilala ko ang isa ring nag-aaplay ng trabaho sa isang sales company.

Nahirapan din siyang kausapin ako pero dahil magka-team kami, wala akong nagawa. Gusto ko na sanang umatras sa inaaplayan ko pero sayang ang pagkakataon. Inaasar nga  niya ako, gusto ko raw mag-sales pero ang sungit-sungit ko. Hindi nga raw bagay sa’kin ang trabahong iyon.

Gusto ko kasing ma-improve pa ang sarili ko kaya nag-aaplay  ako sa sales. Na-search ko ka-sing may training sila para magkaroon ng self-confidence ang isang tao. Ang lalaking speaker doon ang nagturo sa akin na pakinggan ang mga pwede kong matutuhan sa aking buhay. Unti-unti habang nagtututo akong magkaroon ng self confidence, natututuhan ko na ring mahalin siya. Nagbago ang aking pananaw sa buhay. At ngayon, may sarili na kaming negosyo. Tinatawanan niya ako lagi kapag ikinukwento niya sa akin nung una ka-ming nagkita, ako raw si Ms. Masungit.

Debie

Dear Debie,

Tatawagin sana kitang Ms. Masungit pero ang bagay na sa iyo ngayon ay Ms. Confident. Ayos ba? Ganda ng sharing mo. Marami, lalo na sa mga kababaihan ang may inferiority complex or insecurities sa buhay.

Ibang iba na kasi ang mundo, lahat parang pwedeng ikumpara. Kapag hindi mo nahihigitan ang iba o wala kang achievements parang may kulang sa iyo. Lalo na kung takot kang may masabing pangit ang iba.

Tama ang naging desisyon mo. Kahit hindi ka naman mag-sales, pwede ka ring umattend sa mga training. Ngayong may negosyo na kayo, malaki ang chance na makatulong ka sa mga mahiyain na tulad mo noon.

DR. LOVE

DEBIE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with