Namamatay din ang pag-ibig
Dear Dr. Love,
Nagpapaabot ako sa iyo ng isang mainit na pagbati. Harinawang datnan ka ng aking liham na nasa mabuting kalagayan. Tawagin mo na lang akong Jasmin, 30 anyos.
Nang ligawan ako ng aking asawa na si Rico, akala ko natagpuan ko na ang aking ideal man. Masyado siyang caring at lagi akong binibigyan ng bulaklak.
Napaibig niya ako dahil walang lalaking nanligaw sa akin na katulad niya. For me, siya na ang pinaka-perfect na lalaki, kaya naman pumayag akong magpakasal sa kanya.
Sa unang mga taon namin ay maligaya ako hanggang sa unti-unti ay lumabas ang kanyang tunay na ugali. Madalas na siyang umuwi ng lasing, walang iniintregang suweldo dahil natalo sa sugal at kung nagrereklamo ako ay pinagbubuhatan niya ako ng kamay.
Nung una ay nagtiis ako sa pag-asang magbabago siya. Subalit lumipas ang limang taon ay lalong lumubha ang kanyang ugali. Naglaho na ni gapatak na pag-ibig ko sa kanya dahil sa kanyang kalupitan.
Tama po bang makipaghiwalay na ako sa kanya?
Jasmin
Dear Jasmin,
Sa ilalim ng Family Code, may basehan ka para ipawalang bisa ang inyong kasal ng iyong asawa. Hindi ako pabor sa paghihiwalay ng mag-asawa pero sa situwasyon mo, ang pananatili ng inyong relasyon ay pwedeng maglagay sa panganib sa iyong buhay.
Pwedeng may psychological malady ang mister mo at iyan ay isang matibay na ground sa annulment.
Ang annulment ay kakaiba sa divorce na pinaghihiwalay lang mag-asawa pero pa rin ang balido ang kasal. Ang annulment ay isang deklarasyon ng Korte na sa una pa lang ay walang nangyaring kasal kaya ang dalawang naghiwalay ay pwede pa ring makapag-asawa.
Dr. Love
- Latest