^

Dr. Love

Mood swing

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sana ay matulungan ninyo ako sa dinadala kong problema. Ito ay hinggil sa pabagu-bago ng ugali ng aking misis na kung minsan ay malambing, kung minsan ay masungit.

Tawagin n’yo na lang akong Rupert, 56 anyos at matanda sa akin ng dalawang taon ang misis kong si Mildred. May 25 years na kaming kasal at dati, siya na ang pinakaulirang asawang matatawag.

Maasikaso sa bahay, maalalahanin at mapagmahal sa akin at sa tatlo naming supling na parepareho nang may pamilya. Nagbago ang kanyang ugali three years ago.

Maasikaso pa rin siya at malinis sa ta-hanan. Pero masyado nang mainitin ang ulo, at kaunting kalat lang na makita niya kahit sa saang bahagi ng aming bahay ay nagbubu-nganga na siya.

Masyado rin siyang sensitive. Minsan, ipinagdaramdam niya ang mga pagpuna ko sa kanya na constructive naman.

Kaya nalulungkot ako dahil kung kailan dalawa na lang kami sa bahay ay saka pa siya nabawasan ng sweetness.

Ano ang dapat kong gawin?

Rupert

Dear Rupert,

Sa tingin ko ay menopausal syndrome ang dinaranas ng misis mo kaya siya nagkakaganyan. Iba-iba ang epekto sa babae ‘pag nagi-ging menopause na. Madalas silang nagiging masungit at sensitive.

Minsan, kahit ang lalaki ay nagkaka-ganyan kapag nagkakaedad na. Maaaring nababagot din siya sa routine na ginagawa niya araw-araw, lalo na sa panahon ngayon na hindi masyadong makagala ang tao dahil sa pandemic.

Ikaw na lang ang maging maunawain at magdagdag ng lam-bing. Kung nagsusu-ngit siya, lalo ka naman magiging malambing sa halip na salubungin mo ito ng init ng ulo.

Tutal, ikaw ang nagsabi na may mga oras din naman na malambing siya sa iyo, ipagpasalamat mo ‘yan sa Diyos na hindi naman lagi siyang nagsusungit.

Dr. Love

PROBLEMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with