^

Dr. Love

Dahil nakiki-internet lang

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nakiki-internet lang naman ako pero minasama ng kapatid ng klaymeyt ko. Bakit kailangan pa raw akong mag-stay sa kanila at lubayan ko raw ang kapatid niya. Ako ang babae, ako pa ang lumalabas na nanliligaw sa kapatid niya. Huwag ko raw landiin ang kapatid niya. May internet naman kami, kaso inaayos pa raw, text sa amin ng company.

Kaibigan ko lang naman si Jon. Bukod dun, wala na kaming malalim na relasyon. Syempre klaymets din kami online, kaya pumupunta ako sa kanila.

Kanino pa ba ako lalapit, eh siya lang ang naisip kong tutulong sa akin at nag-offer naman siya na dun na lang ako sa kanila maki-internet.

Grabe, ang sama naman ng isip ng kapatid niya. Mabuti pa ang parents niya hindi ko nari-ringgan ng masamang salita. Sana nga matapos na ang pandemic kasi hirap din talaga makisuyo. Hindi ako makapag-aral ng maayos sa ibang bahay tapos may mga naririnig ka pang mga pangit na salita.

Kapag aasa ako sa data, sasakit lang ang ulo ko sa kakahintay ng mabagal na loading. Mabuti na lang maayos ang internet nila Jon pero ‘yung utak ng kapatid niya, mabagal din mag-loading. Maraming virus na nakakalat sa utak ng kuya niya. Talagang nagpapasalamat ako kay Jon.

Pasensiya na po kayo Dr Love, medyo mababaw lang ang nai-share ko sa inyo. Pero ang alam ko, hindi lang ako ang may ganitong problema.

Stephanie

Dear Stephanie,

Alam mo, hindi natin kontrolado ang isip ng iba. Sabi nga, bawal ang judgemental.

Pero may mga tao na hindi makapagpi-gil sa sarili, sa gusto nilang sabihin. Kung maayos naman ang pagkakasabi, tama at makakatulong ay pwede natin pakinggan.

Pero syempre, ikaw ang nakikisuyo kaya ikaw na lang ang magparaya. Kung pwedeng makahanap ka pa ng ibang paraan na hindi ka na makiki-internet sa kanila, mas mainam. Huwag mo nang patulan ang big brother niya.

Focus ka lang sa pag-aaral. Ang iba’t ibang challenge ay bhagi ng panahon. Kaya we need to face those with courage na malalagpasan natin ang mga ito.

It’s good na nariyan si Jon na tumutulong sa’yo. Good job, Jon. Ganyan ang kailangan natin sa panahon nga-yon, ang magtulungan at hindi ang magba-ngayan.

We’ll just pray na matapos na ngang tuluyan ang pandemic na ito.

DR. LOVE

ADDRESSING PRESIDENT ARROYO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with