^

Dr. Love

Sumpa ng ina

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. love,

Namatay ang nanay ko na may malaking galit sa akin. Ito ay dahil nakipagtanan ako sa isang lalaking mahigpit niyang tinututulang mapangasawa ko.

Biyuda na ang nanay ko at ako lang ang tanging kasama niya at katulong sa pagtitinda ng gulay sa palengke.

Tawagin mo na long akong Angela, 27-anyos, may asawa at isang anak. Noon pa man ay galit na galit si inay sa aking napangasawa dahil isa lamang siyang trike driver. Mahirap na nga raw kami, mag-aasawa pa rin ako ng mahirap.

Pero sa kabila ng pagtutol niya ay nanaig sa akin ang tawag ng pag-ibig. 19-anyos lang ako noon nang sumama akong magtanan sa asawa ko.

Nang magtangka kaming humarap sa kay inay,  hindi kami pinatawad at sinabing kailan man ay hindi kami aasenso at gagapang na parang ahas. Nagkatotoo ang sinabi niya. Hirap kami ngayon at ang kaisa-isa naming anak ay autistic. Hanggang sa namatay siya ay hindi niya kami napatawad.

Paano kami makakawala sa sumpa ni inay?

Angela

Dear Angela,

Taimtim na pagsisisi at pagtanggap kay JesuCristo bilang Panginoon at tagapag­ligtas ang susi para makalag ang gapos ng sumpa. Sabi ng Salita ng Diyos, ang tunay na nasa Panginoon ay pinangangalagaan Niya at hindi puwedeng salingin ng diyablo.

Ang sumpa ay katumbas ng pangkukulam na hindi nagmumula sa Diyos, kundi sa prinsipe ng kadiliman. Nakakalungkot at nakamatayan ng iyong ina ang galit niya sa iyo. Pero kahit hindi ka niya napatawad, ang pinakamahalaga ay ang pagpapatawad na mula sa Diyos.

Tungkol sa anak mong autistic, tanggapin mo siya ng maluwag sa iyong kalooban. Kung minsan, may mga kasong nakakalakihan ng bata ang kapansa­nan at lumalaki ng normal.

Dr. Love

DR. LOVE

INA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with