^

Dr. Love

Inip na, bagot pa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mabuti pa na may pasok, panay sermon ang inaabot ko sa parents ko. Walang baon, walang gimik, lahat wala. ‘Yung isang inaasahan kong dadalaw sana, kaso hindi naman makalabas ng bahay. Miss na miss ko na ang baby ko.

Parang masisira na ang ulo ko. Sa sobrang dami nang pinapagawa sa akin ng mama ko. Hindi rin ako makapag-fb nang matagal, kontrolado ang paggamit ng cellphone at internet.

Gusto ko nang may pasok,  para akong nakakulong sa selda o parang kumbento yata. May oras lahat. Tapos bantay-sarado pa ako ng mga jail guard este ni mother superior, ang mama ko.

Ga-graduate na ako ng senior high, kaso walang graduation ceremony. Sayang, noong junior high moving up lang, naka-uniform pa. Parang practice lang.  Ito naman, graduation picture na lang. Sana may celebration.

Anyway, ang totoo inip na inip na akong makita ang bf ko. Panay ang extend nang extend. Ano ba ‘yan? Para kasing nasa abroad siya. Laging video call lang kami at chat. Hindi ko alam, baka may nililigawan ng iba ‘yun. Hindi lang sinasabi sa akin.

‘Yun lang po. Maraming salamat po sa oras na inilaan ninyo. Shoutout po pala sa mga klasmeyt ko na nabo-bored na rin. Musta na kayo mga beshie? Pasyensiya na po nababagot lang talaga ako. Mainam lang natuto akong magdasal kasi kailangan sabay kami ni mama sa pa­nonood ng misa sa fb.

Aika May

Dear Aika May,

Hayan ang hirap nang laging nasa bahay ano? Naghahalo ‘yung bagot at pagod. ‘Yan ang nararanasan ng mama mo sa tuwing wala ka sa bahay ninyo. Lagi siyang naghihintay. Mabuti walang pasok. Kaysa matulad tayo sa ibang bansa na marami ang namatay. Hindi ito biro, iha. Kaya konting tiis lang. Tama, sinasamahan mo ang mama mo sa pagdarasal. Hangga’t maaari may personal prayer ka rin.

Tama lang na may oras lahat para masanay ka. Mahirap, pero matututunan mo rin ‘yan. Mainam ang may disiplina.

Tungkol naman sa bf mo, eh hayaan mo muna siya. Wala ka namang choice ‘di ba? Kaya magtiwala ka lang sa kanya. Kung mahal ka nun, hindi ka niya basta ipagpapalit sa iba.

Konting tiis pa, may awa ang Maykapal. Hindi niya tayo pababayaan.

DR. LOVE

 

 

BAGOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with