^

Dr. Love

Balak pag-aralin ang bf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May tanong lamang po ako sa inyo, pwede ko po bang pag-aralin ang boyfriend ko? Gusto na niyang matapos ng college pero dahil sa na-suspend siya sa isang university hindi na siya nagpatuloy.

Nagkakilala kami sa isang outreach namin sa barangay. Isa siyang volunteer doon sa barangay hall.

Isa akong staff ng school sa NSTP. Trabaho ko talaga ang lumibot sa mga barangay para mag-conduct ng mga outreach program namin.

Suki na ko sa kanilang barangay, lagi na kaming namimigay ng pagkain at mga goods sa bawat pamilya na kasama sa programa.

Humanga ako sa kanya dahil sa sobrang sipag niya at walang angal. Tulad niya, mahirap lang din kami kaso talagang nagtiyaga lang ako at medyo naging maganda ang posisyon ng tatay ko sa city hall.

Niligawan niya ako at naging kami na nga. Sinabihan niya ako na gusto na niyang ituloy ang kanyang pag-aaral. Pwede naman siya sa state university kaso hindi mataas ang grade niya, dahil sa magulo niyang nakaraan.

Gusto ko na ako ang unang tumulong sa kanya. Wala naman akong masyadong pinagkakagastusan. ‘Yun lang, hindi ito alam ng parents ko. Parang ayaw pa ng bf ko kasi nga baka mapagalitan ako ng parents ko.

Desidido na po kami at engage na rin kami. Pero hindi pa kami nagsasama. Ok lang po ba na ako ang sumuporta sa kanya?

Clarrise

Dear Clarrise,

Wala namang pwedeng pumigil sa iyo kung gusto mong tulungan ang bf mo sa kanyang pag-aaral. Mas mainam pa nga iyon dahil sa oras na mag-asawa na kayo, makakahanap na rin siya ng magandang trabaho dahil nga nakatapos na siya ng kolehiyo. Basta sigurado kang wala ka nang obligasyon, maliban sa iyong parents.

‘Yun lang dapat malinaw sa inyong dalawa ang mga bagay-bagay. Alam mo na minsan kahit sa pera nag-aaway ang mga magkarelasyon. At hindi rin naaalis ‘yung sumbatan. Minsan may mga lalaking ayaw pumayag dahil ayaw matapakan ang kanyang pride.

Maganda ang plano ninyo. Basta huwag alisin ang tiwala at pagmamahal.

DR. LOVE

ARALIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with