^

Dr. Love

Masungit na biyenan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sumainyo nawa ang proteksyon at pagpapala ng Panginoon sa pagtanggap ninyo ng aking sulat.

Tawagin n’yo na lang akong Mildred, 36-anyos at may asawa. Dati kaming nangungupahan sa apartment ng asawa kong si Mar. Pero nang mamatay ang aking biyenang lalaki, nakiusap sa amin ang aking biyenang babae na sa kanya na kami pumisan. 60-anyos na siya noon at wala nang kasama sa bahay kundi isang katulong.

Nang himukin ako ng aking mister na pumayag sa hiling ng kanyang ina, nag-aalangan man ako ay pumayag na rin ako dahil alam kong mahal ng aking asawa ang kanyang ina.

Ngunit makalipas ang ilang buwan sa piling ng aking biyenan, ay nagsimula siyang makialam sa aming buhay. Pati pagkaing lulutuin ko ay pinanghihimasukan niya. Kaunting kilos ko na sa tingin niya’y mali ay agad akong sinisinghalan.

Nasabi ko ito sa aking asawa pero nakiusap siya sa akin na magtiis pa ng kaunti dahil kawawa naman daw ang kanyang nanay kung nag-iisa sa buhay.

Pero hindi na ako makatiis talaga dahil  sa tingin ko sa sarili ko’y nagmimistula akong kasambahay na walang magawang tama. Tulungan mo ako, Dr. Love. Ano ang mabuti kong gawin?

Mildred

Dear Mildred,

Mahirap ang iyong katayuan pero sa isang banda, tila may katuwiran ang iyong asawa na makipisan kayo sa kanyang ina dahil ito’y isa nang biyuda at nag-iisa sa buhay.

Magtengang kawali ka na lang kung masasakit na salita lang ang ibinabato sa iyo at hindi ka naman sinasaktan na pisikal. Dagdagan mo ang iyong lambing sa kanya. Gaya ng sinasabi ng Bible, mahalin mo ang iyong kaaway at ipanala-ngin. Sa pamamagitan ng ipakikita mong kabaitan sa kanya, malay mo at baka matanto niya na nagkamali siya sa masamang pagtrato niya sa iyo.

Ang tagubilin ng Diyos ay hindi imposible. Asawa mo si Mar at hindi naman mainam na hiwalayan mo siya kung wala naman sa kanya ang problema kundi nasa kanyang ina.

Dr. Love

BIYENAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with