^

Dr. Love

Ayaw kumawala sa ‘bangungot’

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Lolit, 27-anyos at may ka-live in.  Mahal ko po ang aking kinakasamang si Lando at kung ako ang masusunod, ibig kong makasal kami pero ayaw niya.

Hindi ko alam kung bakit gayun na lamang ang aking pag-ibig sa taong ito na lagi naman akong sinasaktan ng pisikal at emosyonal dahil araw-araw siyang umuuwi na lasing at talunan sa sugal. Wala po kaming anak sa loob ng apat na taong pagsasama namin. Ang pinakamasakit na pangyayari ay ng iuwi niya sa aming bahay ang kanyang kalaguyo at ang nangyari, para na lamang akong isang kasambahay sa sarili kong tahanan.

Masakit lalo dahil sa iisang silid at kama kami natutulog at parang tinatarakan ng balaraw ang puso ko kapag nakikita ko silang nagroromansa. Tumatalikod na lang ako kung magkagayon. Minsan pa nga, pinaghahalinhinan niya kami sa isang gabi. Nabababuyan ako pero wala akong magawa dahil sasaktan  niya ako kung hindi ko siya pagbibigyan.

Squatter lang po kami pero ang tinitirhan namin ay pamana pa sa akin ng aking mga yumaong magulang. Ang trabaho ko ay tindera sa palengke at si Lando ay walang hanapbuhay. Ang kinikita ko ay madalas pa niyang ipatalo sa sugal.

Parang bangungot ang bawat sandali sa piling niya pero bakit ganito ako, ayaw ko siyang iwanan?

Tulungan mo po ako sa pamamagitan ng mahalaga ninyong payo.

Lolit

Dear Lolit,

Hindi normal ang ganyang katayuan ninyo. Dalawa kayong babae na pinagsasabay ng hayok mong asawa. Ang hindi ko maunawaan ay kung bakit nananatili ka at ayaw umalis sa iyong bangungot kahit puwede mo namang gawin.

Sa tingin ko, nababaliw ka na sa sobrang pagmamahal mo sa lalaking iyan. Kung may natitira pang katinuan ang isip mo, magdesisyon ka ng iwanan siya. Kung may nalalabi ka pang kamag-anak, doon ka muna manuluyan at hingin ang kanilang tulong. Tutal, kahit namana mo ang iyong tinutuluyan sa iyong magulang, legally, hindi mo naman pag-aari ‘yun kaya bitiwan mo na lang. Mas mahalaga ang iyong paglaya sa isang kinakasamang brutal.

Dr. Love

BANGUNGOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with