^

Dr. Love

Ambisyon

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matayog ang aking pangarap. Noon pa mang bata ako ay ambisyon ko nang maging isang accountant. Ako palagi ang pinakamagaling sa math mula elementarya hanggang high school. Ang pro-blema ko po, hindi kaya ng mga magulang ko ang pagtataguyod sa aking edukasyon. Labandera lang ang aking ina at ang tatay ko ay naglalako ng isda.

Tawagin mo na lang akong Elva, 21-anyos at part time student sa kursong accountancy. Nasa first year pa lamang po ako ng aking pag-aaral at upang matupad ko ang aking pangarap, sinubukan ko ang lahat ng trabaho pero hindi makasapat ang aking kinikita.

Kaya masama man sa paningin ng tao, pumasok akong guest relations officer (GRO) sa isang kilalang club. Strictly sa table lang po ako at hindi ako sumasamang lumabas sa customers. Maganda naman ako at marami ang nagkakainteres sa akin.

Mahirap din dahil kokonti ang tulog ko dahil inaabot ako ng pasado hatinggabi sa trabahong ito. May nanliligaw sa aking customer na isang matandang mayaman. May asawa siya pero nangakong papag-aralin ako kung sasama ako sa kanya. Hindi ko na raw kailangang magtrabaho. Tatanggapin ko ba ang alok niya?

Elba

Dear Elba,

Maraming mahirap na narating ang pangarap ng hindi kailangang gumawa ng hindi maganda.  Kahit ordinaryong trabaho lang ang pasukan mo at huwag ka munang mag-full load sa paaralan, makakatapos ka rin.

Pero tila nag-aapura ka kaya minabuti mong pasukin ang trabaho mo ngayon. Ang tanong, ano ang kalidad ng iyong edukasyon kung kulang ka sa tulog dahil nagtatrabaho ka sa gabi at nag-aaral sa araw?

Hindi ako pabor sa pinasukan mong trabaho at lalung tututulan ko ang pagsama mo sa isang matandang mayaman na may-asawa para lamang marating mo ang iyong pangarap.

Gayunman, nasa sa’yo kung susunod ka sa payo ko o hindi dahil hindi ko saklaw ang ano mang nasa isip mo.

Dr. Love

AMBISYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with