^

Dr. Love

Mahigpit pa sa parents ang BF

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nag-boyfriend ako parama kaiwas sa sermon ng parents ko. Pero angnangyari lalong nadagdagan ang naghihipit sa akin. Minsan mas mahigpit pa siya sa parents ko.

Kailangan naka-report lahat ng ginagawa ko mag hapon. Mula sa oras, lugar at kung sino ang kasama ko, tinatanong niya. Kuhang kuha ng bf ko ang style ng parents ko.

Noong nanliligaw pa siya, wala lang… kahit sino ang kausap ko, ok lang. Kahit lalaki o bading, hinahayaan lang niya ako.

Nang sagutin ko na siya para akong may sariling bodyguard. Para ngang sikyu, minsan kinakalikot pa ang bag ko. Baka may itinatago raw ako, pati ang cellphone ko.

Sinabi kona sa kanya na ayaw ko ang ganoon. Pinuprotektahan lang daw niya ako at baka may sumalisi.

Baka raw may nangyayari na sa akin na hindi maganda eh, hindi niya raw mapapatawad ang kanyang sarili. Senior high pa lang kami. Hindi ko pa ngasigurado kung siya na talaga ang forever ko. Ang problema, baka maging forever na babantayan nalang niya ang bawat kilos ko tulad nila papa at mama.

Hay, gusto ko na sanang makipag-break up sa kanya kaso baka ano naman ang isipin at baka magwala.

Winnette

Dear Winnette,

Hindi naman masama ang mag-alala. Pero huwag naman sagad. Halos lahat ng gagawin mo dapat alam niya. Hindi naman tama ‘yon. Kahit samag-asawa hindi naman ganoon kahigpit. Minsan the more nanaghihipit ka, lalong tumatakas. Mabuti hindi mo ginagawa ‘yon.

Mag-usap kayo. Give him limitations. Hindi ibig sabihin, hindi mo na siya mahal. Para lang matutunan niya ng magtiwala sa iyo.

Hindi magiging healthy ang relationship ninyo kung panay ang tanungan portion n’yo. Ano ms universe, kailangan tama ang sagot? Sabi nga, “you can always love the person you trust. The best proof of love is trust.”

DR. LOVE

TRUST

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with