^

Dr. Love

Nagkaroon pero nawalan din

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko makasama ang anak ko, hindi kami kasal ng misis ko. May una siyang asawa. Ang gusto ko lang, kahit masilip ko lang ang anak namin.

Ang totoo ako ang may kasalanan. Alam ko naman na may posibilidad na magkabalikan sila, pero nagsama pa rin kami.

Nagkakilala kami sa isang bingguhan. Madalas siya roon na nagpapalipas oras lang. Nakita ko na naninigarilyo siya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na alukin siya ng lighter. ‘Yun na ang simula. Lumalabas na kami hanggang sa nagsama na tumagal ng halos dalawang taon, nagbunga ito.

Ok naman ang pagsasama namin dahil maganda ang kita ko sa pagda-drive ng Uber.  Pero nung mawala na ang Uber, wala na rin akong trabaho. Kaya napilitan siyang umuwi na lang sa kanyang magulang bitbit ang aming anak. Hindi agad ako nakabawi noon.

Sa ilang buwan na hindi kami nagkikita, nagkabalikan na pala sila ng kanyang unang asawa. Nawala na ang aking asawa, pati ang aking anak.

Wala akong laban sa kanila. Gusto kong makita at matanong man lamang kung kilala pa kaya ako ng aking anak. Naisip ko na mahirap ang pinasok ko. Hindi ko matanggap na may asawa’t anak ako pero hindi ako ang ama na kinikilala. 

Mr. Bingo

Dear Bingo,

Ang buhay nga minsan parang bingo. Hindi mo alam kung kelan ka mananalo hangga’t hindi mo pa nakikita ang pagkakataon. Maaaring nawala sa iyo ang iyong mag-ina, pero hindi pa huli ang lahat.

Magpatuloy ka lang sa iyong buhay. Unti-unti, makikita mong may mga pwede pang mangyari sa buhay mo at makakalimutan mo na ang nakaraan. Kung talagang hindi na pwedeng ibalik, mas mainam na ipasa-Diyos mo ang iyong tadhana. Kung magtitiwala ka at itataya mo ang iyong buhay sa Kanya, hinding-hindi ka magsisisi at magiging maganda ang pagtanggap mo sa bawat nangyayari sa’yo.

DR. LOVE

 

 

 

 

 

 

NAGKAROON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with