Napahiya sa Ex
Dear Dr. Love,
Naiinis ako sa bf ko. Kasi hindi ko alam minsan kahit seryoso na ako, nang-iinis pa rin siya. Ok lang naman kung palabiro siya, kaso minsan hindi na maganda ang biro niya.
Nakilala kong palabiro talaga ang bf ko. Kaya ko nga siya sinagot kasi nag-eenjoy ako kasama siya.
Nawawala ang lungkot ko at pagod kapag nagkakasama kami. Iba siya sa naging bf ko. ‘Yung dati sobrang seryoso at parang lagi kaming nasa formal meeting. Ni hindi naman ako makatawa. Kaya na-bored ako hanggang nakilala ko nga itong bago ko.
Hindi ko lang siguro matanggap na sabihan niya ako ng bobo sa harap ng ex ko. Nagtatawanan pa nga kami noon. Pero nang makita kong nakatingin pala sa amin ang ex ko, bigla akong na-conscious. Bigla akong napahiya. Tinawanan kasi ako ng ex ko.
Hindi ko tuloy alam kong ano ang magiging reaksyon ko sa kanya. Hindi niya alam na ang lakas ng dating ng ginawa niya sa akin.
Nag-sorry naman siya sa akin nang makita niyang nagbago ang mukha ko at bigla akong tumahimik. Naging seryoso tuloy kaming dalawa. Hindi ko pa siya kinikibo ng tulad ng dati. Nagmamaganda pa rin ako ngayon.
Sheenalyn
Dear Ms Sheenalyn,
Baka naman hindi talagang sinasadya ng bf mo ang nasabi niya. Baka expression lang ‘yun. Hindi ka naman niya liligawan kung tingin niya sa’yo ay bobo.
Naging malakas lang ang dating nun dahil nga sa ex mo. Minsan kapag sobrang biro, nakakasakit talaga ng damdamin. Be honest to him na nasaktan ka at napahiya.
Huwag mo nang palakihin ang nasabi niya. Tapos na iyon. Move on na, bes. Huwag kang paapekto sa magiging reaksyon sa iyo ng ex mo.
DR. LOVE
- Latest