^

Dr. Love

Patay na ang puso ko

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta ka, Dr. Love? Tawagin mo na lang akong Mitus, 30-anyos. Dalaga pa ako at tahasang sasabihin ko na patay na ang puso ko sa tawag ng pag-ibig. Ayaw ko na talaga. Sabi nila, sa edad ko ay puwede na akong tawaging matandang dalaga. 

Takot na akong umibig. Sa apat na karanasan ko sa pakikipag-boyfriend, puro kasawian ang kinasadlakan ko. Pare-pareho silang mapagsamantala at dahil dito, natuto akong maging man-hater. Sa una kong boyfriend naibigay ko ang aking pagkadalaga pero natuklasan kong siya ay may asawa na.

Iyan din ang naranasan ko sa pangalawa.  Nabuntis ako at ng malaman niya ay hindi na siya nakipagkita sa akin. Siguro, sasabihin mong matigas ang ulo ko dahil hindi ako nagbago. Nagsunod-sunod ang mga kabiguan ko kaya isinumpa kong hindi na iibig muli.

Gusto kong itanong sa’yo kung tama bang i-padlock ko na ang aking puso at huwag nang umibig uli? 

Mitus

Dear Mitus

Wala kang ibang masisisi sa kalagayan mo ngayon kundi ang sarili mo. Kasalanan mo rin kung bakit dinanas mo ang ganyang mga kasawian. Madali mong isinusuko ang iyong pagkababae sa lahat ng lalaking nakakarelasyon mo. 

Iyan ang dahilan kung bakit nagiging masama ang pananaw sa iyo ng kalalakihan. 

Kahit moderno na ang panahon natin ngayon, marami pa ring kalalakihan ang nagpapahalaga sa pagkadalaga ng babaeng kanilang pakakasalan. Hindi na puwedeng baguhin ang iyong lumipas Pero ang maipapayo ko sa iyo, maging maingat ka sa iyong pagkababae para respetuhin ka ng mga kalalakihan.

Dr. Love

MATANDANG DALAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with