^

Dr. Love

Panalangin ang hiling

Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hihingi lang po ako ng prayers para po sa anak ko. Nasa ICU siya makaraang bigla nalang mawalan ng malay habang nasa misyon.

Hirap po ako noon sa buhay kaya hindi ko naalagaan ang aking mga anak. Ang mga kapatid ko po at ang nanay ko ang nag-aruga sa kanila. Kinailangan lang nilang magkahiwa-hiwalay para makakain sa araw-araw at makapag-aral.

Ang bunso kong anak ang sumunod sa yapak ko at nagpasyang ituon ang sarili sa pagmimisyon.

Ito na raw ang nagpapasaya sa kanya. Hanggang nagkalayo muli kami. Napunta siya sa Iloilo. Doon siya nanilbihan at nagpahayag ng mabuting balita.

Pero meron pala siyang nararamdaman sa kanyang ulo na hindi niya sinasabi sa akin.

Isang linggo na po siyang hindi nakakausap. Mahal na mahal ko po ang bunso kong ito. Maraming salamat po Dr. Love at tatanawin kong utang na loob sa inyo ang inialay ninyong panalangin para sa kanya.

Glenn

Dear Sir Glenn,

Maraming salamat din po sa tiwala. Asahan ninyo ipagdarasal namin ang inyong anak. Walang imposible sa Diyos.  Manalig lamang po tayo sa Kanya. Kung anuman ang kalooban Niya sa anak ninyo, nawa’y matanggap ninyo ng matiwasay. Ngunit umaasa po kami sa kagalingan para sa anak ninyo. Ipagpatuloy lamang po ninyo ang panalangin. Kasama po ninyo kami sa inyong mithiin para sa inyong anak. God bless po.

Dr. Love

DR. LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with