Undecided
Dear Dr. Love,
Isang mapagpalang araw sa iyo at sa lahat ng mga tagasubaybay ng iyong malaganap na column. Just call me Zita Rosales of Olongapo City. I’m 20-years old and I’m about to marry my boyfriend of 6 months. Ang problema ko, nakasagot ako ng oo sa bf ko dahil magulo ang isip ko noon. Kasi madalas akong kinagagalitan ng aking mother at tinatawag na iresponsable. Dahil dito, pumayag ako sa gusto ng bf ko na magpakasal kami kahit ang totoo ay hindi pa ako handang mag-asawa. Mahal ko naman ang bf ko, pero the thought of marrying is distant from my mind dahil may iba pa akong plano. Wala pa namang public announcement tungkol sa kasalan pero baka magdamdam ang bf ko. Paano ako magsasabi sa kanya?
Zita
Dear Zita,
Mas mabuti na habang hindi pa ina-announce ang wedding ay sabihin mo na bf mo na ipagpaliban ito. Tutal hindi mo naman siya inaatrasan kundi nais mo lang na maikasal kayo sa mas appropriate na panahon. Tiyak ko na mauunawaan ka niya. Sana huwag ka nang maging padalus-dalos sa mga sensitibong desisyon dahil maraming napapahamak sa ganyan. Minsan masakit magsalita ang magulang ngunit ang galit nila ay laging may mabuting layunin para sa atin.
Dr. Love
- Latest