^

Dr. Love

Twice Broken Hearted

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

First of all, “hello!” I hope you are in good state of health upon receipt of this letter.

Nais ko po sanang isangguni ang aking dalawang problema na matagal nang naghahanap nang ma-kakagamot sa sariwa pang sugat dito sa puso ko.

Just call me Peter, 19-years-old. Ang una kong pro-blema ay ang first girlfriend ko, si Remedios. Nakilala ko siya last year. One year na kaming mag-on. Pero nauwi sa wala ang aming relasyon. Ang dahilan ay ang minsan ko lang na hindi pagsipot sa date namin.

Kasi, kapag hindi siya nakakasipot sa aming date, nagpapaliwanag siya at tinatanggap ko naman. Halos limang ulit niyang ginawa ito sa akin.

Kasi mahal ko siya, tinatanggap ko ang paliwanag niya. Pero nang ako ang hindi nakasipot sa date namin, nagalit siya sa akin at anumang paliwanag ko ay ayaw niyang pakinggan. Nauwi iyon sa broke up namin. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung nasaan siya.

Ang ikalawang problema ko ay ang ikalawang babae sa buhay ko. Tawagin natin siyang Agnes, 19-years old. Tatlong buwan lang ang itinagal ng relationship namin. Dati kaming magkasama sa trabaho. Bago ako umalis, mag-on pa kami. Nag-promise siya sa akin na mananatili ang communication namin, pero ni text wala akong natatanggap galing sa kanya.

Kaya nagpasya akong pasyalan siya sa trabaho niya. Laking tuwa ko nang magkita kami. Pero iyon na pala ang huli kong ligaya. Tinanong ko siya kung bakit hindi na siya nakakatawag o text man lang sa akin. Ang sabi niya, may pumuno na ng pagkukulang ko.

Masakit, Dr. Love ang ginawa ng dalawang babaeng minahal ko. Ayaw ko nang manligaw uli. Sana mapagpayuhan ninyo ako.

Maraming salamat po.

Gumagalang,

Peter

Dear Peter,

Huwag mo nang dibdibin pa ang tungkol sa dalawang babaeng hindi nagpahalaga sa pagmamahal mo. Huwag mong isara ang puso mo sa tawag ng pag-ibig at huwag ka ring mag-apura dahil bata ka pa.
 Sa susunod na magkaroon ka ng gf, dapat na ipakita mong mahal mo siya hindi lang sa salita, kundi ipadama mo rin ito.
Huwag kang panghinaan ng loob, dahil natitiyak ko na may babaeng nakalaan sa’yo. Kailangan mo lang galingan ang paghahanap mo sa taong muling magpapatibok sa puso mo at nakahandang tumbasan ang pagmamahal na iuukol mo.

Dr. Love

vuukle comment

BROKEN HEARTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with